Banta ni Nikki sa bastos na netizens: Pag sobra na kayo hindi pwedeng basta ganu’n na lang

 

 

PINALAGAN ng character actress na si Nikki Valdez ang mga taong nambababoy sa Kapamilya stars na lantarang nakikipaglaban para sa ABS-CBN.

Isa si Nikki sa iilang artista ng Dos na nakilahok sa rally at noise barrage nitong weekend upang ipagsigawan ang kanilang galit sa tuluyang pagpapasara sa network.

Muling naglabas ng sama ng loob si Nikki sa kanyang Instagram account laban sa mga walang-awang bumabatikos sa kanila at sa iba pang sumusuporta sa istasyon.

Sentimyento ni Nikki, “It’s funny how bashers tend to play victim after magboomerang sa kanila lahat ng pinagsasasabi at ginagawa nila.

“We may be ‘artistas’ or public figures whose lives are exposed to the public but you have to remember, tao lang din kami.

“So pag may sinabi kayong hindi maganda, do you expect us to just let it go? Pag sumosobra na kayo, hindi naman ata pwede yun,” aniya.

Hindi raw talaga niya akalain na may mga taong sagad sa buto ang kasamaan na sa halip na ipagdasal at makisimpatya sa mga nawalan ng kabuhayan ay nagsasaya at nagpipiyesta pa.

“Being opinionated and tactless or inconsiderate are all different from each other. Trolling is a totally different thing too!

“Minsan nga kaya pang tanggapin pag troll pero yung hindi, diko talaga maintindihan how there can be so much evil in a person.

“Pwede naman kasi magcomment nang hindi nambabastos. I believe we were all taught to think before we speak. Sana pwede pa natin ipractice yun,” pahayag ni Nikki.

Mensahe pa ng aktres sa madlang pipol, “Subukan natin ilagay ang mga sarili natin sa sitwasyon ng iba bago tayo magsalita for we will never understand what others are going through until we are in the same situation as they are.”

Read more...