Jennylyn tinuruan ang mga ‘bessie’ na lumaban; Rhian naging Sunday school teacher

 

TRENDING nitong nagdaang weekend ang hashtag “#Bessie” na siyang tawag ni “Descendants of the Sun” actress Jennylyn Mercado sa kanyang followers.

Marami naman ang nagduda kung ang Kapuso actress nga ba talaga ang kanilang kausap sa Twitter dahil hindi sila makapaniwala na nakikipagkulitan sa kanila si Jen.

Nilinaw ng award-winning actress na siya mismo ang nakaka-interact ng kanyang fans sa Twitter.

Ito’y sa pamamagitan nang pagpo-post ng litrato habang kumakain kasama ang anak na si Alex Jazz at boyfriend na si Dennis Trillo, “Mga bessie ang kukulit ninyo! Kurutin ko kayo, eh.”

Dagdag pa ni Jennylyn, “Isa sa mga realizations ko recently ay it’s never too late na i-educate ang sarili sa mga nangyayari sa bansa.

“Responsibilidad mo ‘yun bilang Pilipino. To speak (kung ano ang pinaninindigan mo). Let’s start a conversation. Marami pa akong gustong matutunan,” chika pa ng Kapuso Ultimate Star.

* * *

Sa recent “All-Out Sundays” episode, pinahulaan kay Rocco Nacino kung sino kina Rhian Ramos, Carla Abellana at Glaiza De Castro ang naging teacher noon.

Ang hula ni Rocco ay si Carla, pero umamin din si Rhian na siya ang tinutukoy na naging Sunday school teacher.

“Ako ‘yun. Nakikita mo ko sa set, alam mong mahilig ako sa kids. In fact lagi ko pang nire-request ang mother roles, sa akin ninyo na lang ibigay. Mahilig talaga ako sa kids,” sey ni Rhian.

Dagdag ng “Love of my Life” star, “It was a really good time in my life. ‘Yung age group na tinuturuan ko ay ‘yung mga toddlers. Nakikitakbo rin ako sa kanila, nakikipaghabulan.”

Read more...