Bwelta ni Angel kay Suzette: For you to discredit me while I’m fighting for the people, shame on you! Bandera

Bwelta ni Angel kay Suzette: For you to discredit me while I’m fighting for the people, shame on you!

Ervin Santiago |July 20,2020
share this

Bwelta ni Angel kay Suzette: For you to discredit me while I’m fighting for the people, shame on you!

Ervin Santiago July 20, 2020 - 01:07 PM

 

 

AYAW na sanang patulan ni Angel Locsin ang mga akusasyon sa kanya ng GMA 7 writer na si Suzette Doctolero, pero hindi rin niya napigilan na ipagtanggol ang sarili.

Pinagsabihan ng Kapamilya actress-TV host ang kanyang fiancé na si Neil Arce na huwag nang patulan si Suzette sa mga patutsada nito sa kanya.

Si Neil kasi ang unang nakipagsagutan sa Kapuso scriptwriter bilang pagtatanggol sa kanyang partner. Mahaba ang naging sagutan nila sa Twitter at walang gustong magpatalo.

Muling nagkainitan ang dalawa nang mag-reply uli ang movie producer sa isang tweet ni Suzette patungkol sa patutsada ni Angel sa mga kapwa Kapamilya stars na hindi nagsasalita para ipagtanggol at ipaglaban ang ABS-CBN.

“Saka Neil naman, di lang ako nagreact sa false statement di ba? Ultimo mga artista sa istasyon nyo tinira. Wrong move. Do not antagonize these people. Kunin sila sa side ng cause, wag iritahin,” ani Suzette.

Sagot ni Neil sa kanya, “That is what we believe in po. It is our right. My problem is you saying it’s against GMA when she respects GMA. Gumagawa ka ng away habang nandito kami pinaglalaban ang industriya. That is my problem.”

Dito na pinagsabihan ni Angel si Neil na dedmahin na lang si Suzette, “‘Wag mo nang patulan. People might think na this is just a battle between networks & not the whole film & TV industry.

“That’s just one sad opinion of an artist na walang pakielam sa kapwa kasi comfortable sya sa ngayon. I love GMA [people]. 1 tao lang naman ang bad sakin dun pero wala na now.”

Pero hindi pa rin nagpatalo si Suzette, resbak niya kay Angel, “Kina call out ko ang statement mo, you think you’ll win a war sa mga patutsada mo? Sa kapwa mo artista? Sa gma? At now sa akin?”

Hirit uli ng aktres sa kanya, “Kayo lang po ito. Hindi po ang GMA kaya wag nyo pong idamay. Wala po akong sasabihing hindi maganda sa GMA at malaki ang utang na loob ko sa network. Kayo lang po ang kausap ko. And please use your voice para makatulong sa kapwa mo sa industriya. Kelangan ka namin.”

“Whoa gurl! @143redangel Porke I called out your tila false statement ay wala na ako pake sa industry? Again thats a false statement. May brain ka. Use it,” sagot ni Suzette.

Dagdag pa ng writer, “I am for the franchise renewal. Sinabi ko na yan paulit ulit. As I’ve said, wala ako beef sayo. Nagreact lang sa what you deemed ay unfair na statement. Isa lang industry natin. Terrible times my dear. As I’ve said you’re a courageous woman. And I mean it.”

Banat naman sa kanya ni Angel, “Sa gitna ng dalamhati ng mga kasamahan mo sa industriya, naisip mong idiscredit ang lumalaban para sa kanila? May heart po kayo. Use it. Baka masama lang po ang araw nyo ngayon. Naiintindihan ko po. Sana bukas okay na po kayo.”

Nag-post si Suzette ng maikling video clip na kuha sa ABS-CBN rally na may caption na, “Hmm… whats ur point again @neil_arce? And @143redangel? Deny pa e yan ang video. Ok let’s stop this na. Basta ingat na lang sa statement ha? Kasi people will react.’ Simple ng point ko, pinakumplikado nyo.”

Huling hirit sa kanya ni Angel, “Totoo po na ang buong entertainment industry ang tumulong sa akin nung walang wala pa kami. Kaya lumalaban ako para sa lahat—Kasama po kayo dun. Malaki ba ang utang na loob ko sa GMA? YES, malaki po. But for you to discredit me while I’m fighting for the people, shame on you.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending