Kailangan ng negatibong COVID-19 test ng mga Pinoy na bibiyahe patungong Hong Kong.
Sa abiso ng consulate general office ng Pilipinas sa Hong Kong ang lahat ng Pinoy na magtutungo doon ay dapat sumailalim sa “nucleic acid test” 72 oras bago ang kanilang biyahe.
Ang mga airlines ay kailangang hingin sa pasahero ang sertipikasyon mula sa laboratoryo na nagsasabing COVID-19 negative ito.
Kailangan din na ang laboratoryo ay aprubado ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ang hindi makatutugon sa requirements ay hindi makapapasok sa Hong Kong.
READ NEXT
MASSACRE SA MOTHER IGNACIA (ABS-CBN)
MOST READ
LATEST STORIES