Banat ni Toni sa mga kongresista: Hindi namin makakalimutan ang ginawa n’yo sa mga trabahador ng ABS-CBN

“NO matter who the President is… Jesus is still King!”

Yan ang hugot ng TV host-actress na Toni Gonzaga sa sinapit ng ABS-CBN sa kamay ng mga kongresistang tuluyang nagpasara sa kanyang mother network.

Nakikidalamhati rin si Toni sa lahat ng mga empleyado at talents ng Dos na mawawalan ng trabaho sa tuluyang pagsasara ng istasyon.

“Everyday ang sakit magbukas ng Viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin.

“Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABS-CBN. You may have the power now but it will not be forever,” pahayag ni Toni sa kanyang Instagram page.
Aniya, kahit sino pa ang umupong pangulo ng Pilipinas, ang Panginoong Diyos pa rin ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Pagpapatuloy pa ni Toni, “Lord yakapin mo po lahat ng mga kapamilya namin na nawalan, nasasaktan at nanghihina.

“We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times. Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever,” diin ng misis ni Direk Paul Soriano.

Nag-share rin siya ng isang Bible verse para sa lahat ng kanyang kapwa-Kapamilya na durog na durog ang puso ngayon.

“Troubles come to pass, they don’t stay. Jesus said, when you go through deep waters I will be with you. One day He will wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. Babangon tayong lahat muli,” aniya.

“This is a reminder to us that no matter who the president is…Jesus is still the King of Kings. This is to remind our kapamilyas, there is hope.

“There’s still tomorrow. We will not forget what the people who have power did to us and we respect their decision with all humility.

“As one we will also continue to stand up for our company who gave us so many opportunities to help our families.
“We don’t know what the future will bring. But we know, God is holding us in the palm of His hands,” mensahe pa ni Toni.

Read more...