Paolo 4 na araw nang ‘nakakulong’ matapos magbalik-trabaho: Hindi ko pa mayakap ang pamilya ko

 

 

NAKA-ISOLATE ngayon ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa kanilang bahay matapos magbalik-trabaho last week.

Nag-taping ang host-comedian recently para sa bago niyang proyekto kaya walong araw siyang nalayo sa kanyang pamilya.

Sa katunayan, naging emosyonal pa si Paolo habang bini-video ang pagbabalik niya sa trabaho dahil makalipas ang mahigit tatlong buwan, nalayo uli siya sa kanyang partner na LJ Reyes at sa mga anak nilang sina Aki at Summer.

“Medyo iba episode natin ngayon. Kung napapansin niyo, hindi kami magkasama ni LJ, nasa kotse ako,” simulang pahayag ni Pao sa kanyang vlog.

“After a long time, I have to go back to work, medyo matagal, one week akong mawawala, one week ko silang hindi makakasama.

“The moment I left the house kanina, medyo hindi ko na-anticipate ‘yung lungkot,” dagdag na kuwento pa ng Kapuso comedian.

Ibinahagi rin niya sa publiko ang sistema sa new normal sa taping o shooting kung saan istriktong ipinatutupad ang health protocols kabilang na ang pagsusuot ng personal protective equipment, face masks at safety goggles.

Samantala, sa pagbabalik naman niya sa kanilang bahay, agad siyang in-isolate sa isang kwarto para masiguro ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

“8 days akong nawala for a shoot. I’m home na (4 days na) pero naka-isolate pa ako sa isang kwarto at hindi ko pa sila malapitan, mayakap, mahalikan, o mahawak man lang,” caption ni Pao sa kanyang Instagram post.

“I’m just making sure siyempre na safe at wala akong nauwing sakit,” aniya pa.

Read more...