NA-HACK nga ba ang Instagram account ng model-actor na si Clint Bondad?
Yan ang tanong ng mga netizens nang mabasa ang sunud-sunod na cryptic posts ni Clint sa IG Stories na pinaniniwalaang patungkol kay Catriona Gray.
May mga nag-comment sa mga post ng modelo na talagang sinasagot niya kaya ang paniwala ng kanyang followers ay hindi na-hack ang account niya.
Kapansin-pansin sa mga hugot ni Clint ang pagiging bitter sa kanyang past lovelife at tila patungkol sa paghihiwalay nila ng 2018 Miss Universe.
Narito ang ilan sa mga mensaheng ipinost ni Clint: “P.S. I create Queens,” “Because I push you beyong (sic) all your limits,” “Why acting? Needed a job with lots of waiting.”
May mga hugot pa siyang, “Cat’s friends used to call me walking Google,” “I have zero allergies accept cats…irony,” “Letter. Thanks Ex,” at “That’s it proud of you…like actually.”
Narito pa ang mga ipinost niya sa kanyang IG Stories, “Poor Sam hahaha!”, “I am a man of focus”, at “Lesson 2 We dont look cool.”
Iba’t iba ang basa ng mga IG users sa nangyayari kay Clint kung siya nga talaga ang nagpo-post sa kanyang account.
Natatakot ang ilan sa mga nakabasa ng message ni Clint para kay Catriona at sa bago nitong boyfriend na si Sam Milby.
Kailangan daw sigurong mag-ingat ang dalawa sa kung anumang pwedeng mangyari o pwede ring ipa-blotter ni Catriona si Clint dahil sa ginagawa nito.
May nagsabi naman na mukhang may mga nais sabihin si Clint tungkol kina Sam at Catriona na ikasa-shock ng lahat, base na rin sa sunud-sunod nitong post.
Pero ang isa pang nakababahala ay ang pa-countdown post ni Clint. Ayon kay @httpshttt, “I did not want to talk about this pero nababother ako eh. I have this thought na what if clint’s countdown isn’t for sam or cat but for himself?”
Kung matatandaan, nitong nakaraang linggo ay nagpadala pa ng direct message si Clint kay Sam. Anito,
“How about we have a little chat?” sabay tanong ng, “Want to become my client?”
Narito naman ang isa pang cryptic message ni Clint sa IG, “Nobody can judge me; I know your dirty Little Secrets Too… well.
“Dating App #Church. Careful who you go to bed with (larawang ng hitang nasa kama).
“Don’t let me be the reason for your Anxiety Attacks.
“Hell…
“It’s comfy here (larawan ni Clint na scary filter).
“Don’t worry…
“I am only…
“The Ex (blackground).”