Trending ngayon sa social media ang lie detector test challenge ng naghiwalay na mag-asawa na mapapanood sa YouTube channel nilang JoLai.
Yes, okay na okay na uli sina Jelai at Jon na mas kilala sa tawag na King Badger. Ikinasal sila noong October, 2018 ngunit naghiwalay din noong April, 2019 dahil sa umano’y third party.
Makalipas ang ilang buwan, naging malapit uli ang dalawa at naging friends hanggang sa gumawa uli sila ng mga vlogs para sa kanilang YouTube channel na patuloy na tinatangkilik ng JoLai fans.
Sa nasabing lie detector challenge kung saan nakasama rin ang iba pa nilang vlogger-friends, natanong si Jon tungkol sa pagiging babaero niya noon.
Hirit na question ni Jelai sa kanya, “Manloloko ka pa ba ulit?” Hindi na-ground ang rapper na ang ibig sabihin ay hindi siya nagsisinungaling.
May nagtanong din sa kanya ng, “May kinakausap ka pa bang ibang babae?” “Wala” ang sagot ni Jon pero nakuryente ito.
Dumepensa agad si Jon sinabing nagsasabi siya nang totoo, “Facebook, Instagram…wala na akong SnapChat o Viber. Check my phone, I don’t care.”
Tinanong naman si Jelai kung may ka-fling ito ngayon na sinagot ng Kapuso actress ng “no” pero nakuryente siya. Tawa lang nang tawa ang vlogger.
Dito sumingit si Jon ay ipinakita sa lahat na suot pa rin niya ang kanyang wedding ring kahit na naghiwalay sila ni Jelai. Meaning proud pa rin siya na meron na siyang asawa.
Hirit naman ni Jelai na nagtanggal na ng wedding ring, “Paano na ‘yung mga ka-chat ko kapag nakita ako sa personal? Saka ko lang ‘yan ibabalik kapag nagkabalikan kami.”
“Kung magkakabalikan pa kayo, gagawa ka pa ba ng mali?” sumunod na tanong kay Jon. “Yes. Pero hindi in terms of relationship.
“Kunwari, pinabili niya ako ng mangga, hindi ko alam kung anong klase ng mangga gusto niya talaga,” paliwanag ng rapper.
Hamong tanong naman ng kaibigan nilang vlogger na si Zeinab Harake, “Kunwari, magkaroon ng girls’ night out, tapos may mga bebe doon, sasama ka ba sa amin ni Donna na mambebe as single? Manlalalaki tayo, ganu’n.”
Agad na reply ni Jelai, “Yes.” Pero nakuryente siya sabay-sabing, “So, hindi ako sasama.”