Hinikayat ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Foreign Affairs na bumuo ng inter-agency task force sa pagtugon sa mga problema ng mga OFW.
Ayon kay Cayetano, ito ay ginawa na nila noon sa DFA na maaaring buhayin ng kagawaran.
Sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon ng mas malinaw na koordinasyon ang mga ahensya ng gobyerno upang tugunan ang pangangailangan ng mga OFW lalo ngayong may pandemic.
Kasama rin aniya sa mga bumubuo ng naturang inter-agency ang mga dating kalihim ng DFA at DOLE.
Nagpasalamat naman ang lider ng Kamara sa DFA at DOLE sa pagtalima nila sa hiling na mapauwi ang mas maraming distressed OFW bunsod ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES