Sharon: Matagal ko nang pinalampas ang pamimintas sa asawa ko, enough is enough!

 

“BEAST mode” na naman si Megastar Sharon Cuneta matapos kumalat ang balita tungkol sa planong pagpapatalsik kay Sen. Kiko Pangilinan sa pwesto.

Trending ang #OustKiko sa Twitter kahapon na ikinabahala nga ng pamilya at mga supporters ng senador.

Nang makarating kay Sharon ang balita na may ilang grupong nagbabalak tanggalin ang kanyang asawa bilang chair ng Senate Committee on Constitutional Amendments, agad siyang nag-post ng saloobin sa Instagram.

Aniya, matagal na panahon din niyang tiniis ang huwag makialam sa politika at ang pang-iinsulto at paninira sa kanyang asawang senador.

“So now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po – I have to stand up for what is right – especially if it involves someone I love.

“Matagal ko na pinalampas ang mga pamimintas at masasakit na salita laban sa asawa ko, pero hindi na po kaya ng pamilya namin.

“Lalo na ng mga anak naming wala namang malay at di hiniling na dito sa pamilya namin sila isilang. I wonder who’ll be next? Going too far,” litanya ni Sharon.

Aniya pa, “So sad. O, Pilipinas naming mahal…ano na ang ginagawa sa iyo…Dear God, You are alive, You see all, You know all. We trust only in YOU.

“Kalma lang. Nandyan ang Panginoon. At KAMI, NANANALIG SA KANIYA. Bilog ang mundo. At mapalad ang inaapi. God bless us all. #enoughisenough.”

Nauna rito, mismong ang anak nina Mega at Kiko ang nagbuking sa madlang pipol tungkol sa #OustKiko.

“They want to oust my dad in order to make constitutional changes, allegedly in order to address the COVID crisis. My dad is defending the Constitution,” ani Frankie.

“This admin can’t touch our Constitution as long as my dad’s guarding it. They cannot remove term limits (extend terms), without removing him.

“I’d put this up on the main account but I don’t want to draw any admin attention onto it when I know I’m being watched.

“Please please watch out for the OustKiko posts and know that my dad, who is one of the senators who voted against the anti-terror bill, is protecting our rights,” pahayag pa ng Mega daughter

“Please spread the word if you can. My father is too humble of his own accomplishments for his own good.”

“I’m here to remedy that and draw attention to the fact that he’s been fervently defending our constitutional rights for the last two years,” mahabang tweet ni Frankie.

Read more...