Erik Santos napaiyak sa pagsasara ng ABS-CBN: Sobrang bigat sa dibdib, galit na galit ako

MAY kasabihan ang matatanda na huwag matutulog kung may galit ka sa dibdib dahil baka hindi ka na magising.

Halos lahat ng mga post sa social media mula sa mga empleyado kasama ang mga pamilya nila, artista, supporters, ay iisa ang nababasa namin, ang galit na nasa dibdib nila sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

Isa si Erik Santos sa umaming may kinikimkim siyang galit ngayon lalo na sa mga taong natutuwa pa sa sinapit ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post ay inilabas ng binata ang kanyang saloobin, “Kausap ko kagabi ang isang kaibigan. Wala kami ginawa kundi mag iyakan na lang. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dala ang galit at sakit na dulot ng mga pangyayari kahapon.

“Totoo, napakasakit, sobrang bigat sa dibdib. Galit na galit ako sa mga taong nagdiriwang at masayang-masaya sa sinapit naming lahat at ng kumpanyang aming pinagtatrabahuhan. Nagdurugo ang aking puso para sa libo-libong mga empleyado na mawawalan ng hanap-buhay.

“There aren’t enough words to describe the pain we are feeling right now, but I find comfort in knowing that God is bigger than all of these. For now, allow us to grieve and respect what we are going through.

“Eventually, we will all rise up and move on from here – stronger and better. Muli, isang mahigpit na yakap sa aking mga boss at katrabaho. Let us stay together as one family and continue to be in the service of the Filipino worldwide.

“Maraming salamat sa lahat ng nakiramay at nagdasal para sa amin. Hindi po kami makakalimot. #ProudKapamilya,” ang caption ng binata sa kanyang IG post.

Grand winner si Erik ng “Star in A Million” noong 2003 at simula noon ay tumayog na siya nang husto, naikot na halos ang buong mundo dahil sa kaliwa’t kanang imbitasyon sa kanya para magtanghal.

Hindi rin itinago ng binatang singer na 16 years na siya sa showbiz ngayong 2020 at dahil sa kanyang trabaho ay guminhawa ang buhay ng kanyang pamilya at nakapag-invest pa. Sabi nga niya parati sa amin, “Asawa na lang kulang, okay na ang kabuhayan namin.”

Kaya naman sa nangyaring pagsasara ng TV network na bumago sa buhay ni Erik Santos ay talagang sobrang sama ng loob ang nadarama niya dahil marami pa sanang matutulungang tulad niya rin ang istasyon.

Pero sabi nga niya, “God is bigger than all of these.”

Read more...