ANG bongga talaga ng Kapamilya actress na si Dimples Romana!
May panibago na naman kasi siyang achievement na maipagmamalaki bilang isang magaling at tunay na alagad ng sining.
Ibinandera ni Dimples sa buong universe na naimbitahan siya para maging bahagi ng jury ng 2020 International Emmy Awards.
Ang taunang prestigious awards na ito ay ibininigay taun-taon ng International Academy of Television Arts and Sciences (IATAS) upang bigyang-parangal ang mga TV show na ipinalabas sa labas ng Amerika.
Ang pagbibigay ng awards ay ginaganap sa International Emmy Awards Gala tuwing November na dinadaluhan ng mahigit 1,000 television professionals.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Dimples ang screenshot ng virtual meeting nila kahapon ng mga kapwa jurors para sa kanilang deliberation.
“Today was a magical day I was invited by the International Academy of Television Arts and Sciences to be a juror for the iEMMYs.
“The International Emmy Award is given to recognize the best television programs initially produced and aired outside the United States.
“And to be alongside these amazing industry partners is quite humbling. PILIPINAS and Kapamilya Represent @iemmys #iemmys a big THANK YOU shout out also to Sir Michael McKay, Nathaniel Brendel, Louisa Lim and ActiveTV Asia (Singapore),” caption ng aktres sa kanyang IG post.
Kamakailan, ibinandera rin ni Dimples sa kanyang IG followers ang dalawang bagong property na nabili nila ng kanyang asawa.
Bukod sa bagong farm na na-acquire nila, meron pa silang nabiling bagong condo unit na produkto rin ng dugo’t pawis nila ng kanyang husband.