Mega may hugot sa suntok nina FPJ at Pacman: Tinadyakan kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko! | Bandera

Mega may hugot sa suntok nina FPJ at Pacman: Tinadyakan kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko!

Ervin Santiago |July 15,2020
facebook
share this

Mega may hugot sa suntok nina FPJ at Pacman: Tinadyakan kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko!

Ervin Santiago - July 15, 2020 - 09:55 AM

 

IKINUMPARA ni Megastar Sharon Cuneta sa mga pamatay at sunud-sunod na suntok ni Manny Pacquiao at Da King Fernando Poe, Jr.. ang ginawang pagpapasara sa ABS-CBN.

Hindi pa rin matanggap ni Sharon ang mapait na sinapit ng kanyang mother network sa kamay ng Kongreso. Talagang nakakadurog daw ng puso ang naging desisyon ng mga kongresista.

Inilabas uli ni Mega ang sama ng loob sa Instagram hindi lang patungkol sa Dos kundi pati na rin sa personal na laban ng kanyang buhay.

“Ngayon lang ako nagpost tungkol dito kasi alam ko pag inumpisahan ko, iiyak ako, at dahil sunod-sunod na ang mga suntok na pinagtatanggap ko na di ko naman po inumpisahan, tapos tinadyakan pa kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko.

“Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito,” panimulang pahayag ng singer-actress.

“Pinadaan pa sa 13 pandinig ang mga Boss namin sa ABS-CBN na ang ilan, hindi lahat, pero ang ilan sa Congreso ay kung kausapin sila ay pasigaw at parang mga kriminal na mamamatay tao na halos ang mga kausap.

“Parang paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba, disente, umamin sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na babaguhin ang mali.

“Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos, napakabilis pala lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

“May isang Senador na nagsabing maghanap na lang daw ng bagong trabaho ang 11,000 mahigit na empleyadong may mga pamilyang apektado ng pagkawala ng hanapbuhay na ito, gayong may mga 16 million na yatang Pilipino ang nawalan ng trabaho at maraming negosyo na ang napilitang magsara sanhi ng COVID-19. Saan at paano hahanap ng trabaho?” sey pa ni Mega.

Patuloy pa niya, “Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na itama lahat ng pagkakamali. Si Sir Carlo Katigbak hindi pa gaanong katagal naming Chairman, pero napamahal sa amin dahil napakabuti at mapagkumbaba talagang tao. At magaling.

“Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala Pacquiao na suntok din. Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking SAKIT na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thaka po sobrang nakakapit ako talaga sa Diyos. Kaya okay ako, kahit na sabi nga ni Lupe, ‘gutay-gutay na’ ang puso ko. Pagod na po ako. Peace of mind and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. Di na ako nagpapaapekto sa negatibo.

“Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas,” pagtatapos ng Megastar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending