“KUMBAGA sa health, may sakit po ang entertainment industry!”
Ito ang sentimyento ngayon ni Angel Locsin ngayon matapos ang kontrobersyal na desisyon ng Kongreso na tuluyan nang ipasara ang ABS-CBN.
Chance na raw sana ng pamahalaan na gamutin ang industriya ng showbiz kung binigyan lang nila uli ng pagkakataon ang Kapamilya Network na makapag-operate uli at makapagsilbi sa madlang pipol at sa libu-libong empleyado nito.
Sa kanyang Instagram account, muling nagpahayag ng saloobin ang aktres tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN, bagsak na basag pa rin daw ang kanyang puso.
“It took a while before I was able to compose myself and feel how I actually felt about the situation. Alam ko I am sad, alam ko i am angry.
“Pero may pakiramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling nung simula. Ngayon po na-realize ko kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyon na ito,” simulang pahayag ng aktres.
“Ito na sana ang chance para maayos ng ating gobyerno ang entertainment industry.
“I was genuinely hoping that we could turn this into an opportunity to fix the industry’s issues. Hindi lang po sa ABS-CBN, kundi ang kabuohan. Though, to be honest, malaki na po ang improvement kumpara nung nagsisimula palang po ako.
“Katulad ng working hours, contracts, etc. Pero aminado po ako na marami pa rin pong bagay sa entertainment industry ang kailangan pang ayusin, gaya ng ibang nirereklamo ng ibang laborers.
“But those 70 congressmen chose to shutdown the network instead of standing up for the people and fix those problems,” hirit pa ni Angel sa mga kongresistang bumoto para sa ABS-CBN shutdown.
Pagpapatuloy pa niya, “What’s the purpose of those testimonies from laborers fighting for their rights kung dito lang magtatapos? Hindi rin naman sila natulungan.
“Pinagsalita lang pero iniwan lang rin sa ere. In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions.
“Kumbaga sa health, may sakit po ang entertainment industry. At nalagay ang ating mga kongresista sa sitwasyon na gabayan at ayusin sana.
“But sadly, the congress chose a rigid path, pulled the plug and ignored the plea of the entertainment people. They chose the easy way out instead of curing the disease.
“Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan? Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?
“Kaya ako lumalaban, kahit mahirap at tagilid, kailangan ng mga kasama ko ang karamay ngayon, higit kailan man. Naniniwala akong hindi mawawalan ng saysay ang lahat…dahil tatatak ito sa kasaysayan and we, the Filipino people will never forget,” malalim pang hugot ng tunay na Darna.