Tinawag ng ilang netizens si Jen ng “sawsawera”, “pakialamera” at kung anu-ano pang malilisyosong bintang. Sinabihan din siya ng “shut up” at “huwag nang makialam” sa issue ng prangkisa.
Isa ang Kapuso actress sa mga matapang na nagpahayag ng saloobin nang magdesisyon ang Kongreso na na huwag nang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Muling nag-post si Jen sa kanyang Twitter account para ibandera ang pagsuporta niya sa ABS-CBN at bilang pambabara na rin sa mga namba-bash sa kanya.
“Respecting other people’s opinion is a value you seem to have forgotten,” aniya.
Kasabay nito, ni-repost niya ang comment ng isang Twitter user na nagsabing, “At the end of he day, ur not kapamilya star.”
Resbak sa kanya ng girlfriend ni Dennis Trillo, “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice.
“If being ‘bashed’ is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech. Then I am fine with it,” hirit pa niya.
Sa isa naman niyang tweet, ang mga kongresista namang patutsada rin si Jennylyn sa Kongreso kumontra sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ang binuweltahan niya kasabay ng pakikisimpatya sa mahigit 11,000 empleyado ng istasyon na posibleng mawalan ng trabaho.
“When the Philippines unemployment rate just recorded an all time high, that’s when the congress decided to terminate a renewal which will cost and additional thousands of people their jobs. Nasan yung logic nun?” ani Jen.
Iginiit pa niya ang domino effect ng pagpapatigil sa operasyon ng TV/radio network. Paano na raw ang mga no work, no pay employees at maliliit na manggagawa sa showbiz tulad ng mga “caterers sa set, drivers, equipment rental houses at mga employado nila, mga cameraman at tech team, talent managers, mga assistant ng mga artista, talent suppliers, mga talents o bit players, freelance production designers, freelance writers.”