MALALIM na naman ang hugot ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis tungkol sa issue ng panloloko at pagmu-move on.
Super happy ngayon si Kiray sa kanyang personal life dahil feel na feel niya ang tunay na pagmamahal ng kanyang bagong boyfriend.
Ngunit mukhang hindi niya maiwasan ang humugot paminsan-minsan lalo na kapag naaalala niya ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend.
Ibinahagi ni Kiray sa kanyang Instagram followers ang mga natutunan niya sa kanyang past relationship at kung paano niya na-realize kung gaano siya kaswerte sa natagpuan niyang lalaki na nagmamahal sa kanya ngayon.
Ang tinutukoy niya ay ang non-showbiz guy na si Stephan Estopia na anim na buwan na niyang karelasyon ngayon.
“Sa tagal namin ng ex ko.. naisip ko.. hindi pala ako naging ako.. Nabuo yung bagong ako kasi yun yung gusto niya maging ako.
“Dapat ganito. Dapat ganyan. Bawal yan. Bawal dito. Hindi pwede pumunta dito. Hindi pwedeng gawin. Wag ka makipagusap dun. Wag ganyan,” simulang pahayag ni Kiray.
“Nagkaroon ng bagong ako sa mga salita nayan.. Pero nung nakilala ko yung tamang tao, bigla kong napagtanto… NA HINDI MO KAILANGANG MAGING IBANG TAO PARA MAHALIN KA NG ISANG TAO.
“KAILANGAN MONG MAGING SARILI MO. KAILANGAN MONG MAGPAKA TOTOO. PARA MAKITA MO YUNG HALAGA MO. AT MAHALIN KA NG IBANG TAO.
“Niloko man kami ng mga tao sa nakaraan namin, Pero at least natuto kami. Mas lumakas kami. May tumapang kami,” lahad pa ng komedyana.
Patuloy pa niya, “Sabi nga ng nabasa ko na quote, ‘When you get what you want, that’s God’s direction. When you don’t get what you want’s that’s God’s protection.’”
Ito naman ang mensahe ng dalaga sa mga ex nila ni Stephan, “Napatawad na namin kayo. Kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi namin makikilala ang isa’t isa. Ng dahil sa mga panloloko niyo, naging tulay pa.. PARA KAMI AY SUMAYA! Hihihihi!
“Kaya sa mga bitter parin sa ex nila, tanggalin mo yan.. hindi maganda yan! hindi darating sa ‘yo yung taong para sayo kung hanggang ngayon, nagiistalk ka pa rin. Kung hanggang ngayon naninira kapa rin.
“Kung hanggang ngayon pinaniniwalaan mo parin yung sarili mong kwento para mapaniwala lahat tao, lalong lalo na sarili mo. Tutal ikaw NAGLOKO. DESERVE MO YAN NO!”