outbrain

Megan nape-pressure mabuntis: Gusto na talaga ng nanay ko ng apo ASAP!

By Ervin Santiago July 13,2020
share this

Megan nape-pressure mabuntis: Gusto na talaga ng nanay ko ng apo ASAP!

By Ervin Santiago July 13,2020 - 02:50 PM

 

ATAT na atat nang magkaapo ang nanay ng dating beauty queen at Kapuso actress na si Megan Young.

Ito ang inamin ni Megan sa latest episode ng podcast nila ng asawang si Mikael Daez titled “#BehindRelationshipGoals”.

Napag-usapan nila ang iba’t ibang pressures na nararamdaman nila mula nang maging magkarelasyon sila hanggang sa maging asawa na.

Dito nga sinabi ni Megan na mag-boyfriend pa lang sila ni Mikael ay tanong na nang tanong ang kanyang mommy kung kailan ito magkakaroon ng apo.

“Well guess what? Since the day that my momma knew that you were my boyfriend, she was like, ‘When are you gonna give me an apo?’

“My mom wants a grandchild ASAP, she’s been bugging me about it for years but she always has a sweet way of saying it.

“She doesn’t always say na ‘Anak, gusto ko ng apo.’ She’d just be like ‘When are you guys gonna have kids?’ But now, she doesn’t bug me about it anymore,” chika ng Kapuso star.

Ayon kina Mikael at Megan, bukod sa kanilang respective families, nape-pressure rin sila sa usaping baby kapag laging tinatanong ng mga kaibigan, ng press at ng followers nila sa social media.

Sa panayam namin sa mag-asawa kamakailan, sinabi nila na hindi naman sila nagmamadaling magkaanak. Pero anila, handa na naman silang magka-baby, hinihintay na lang nila ang tamang panahon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending