NIRERESPETO ng Kapamilya actress na si Maricar Reyes ang naging desisyon ng Kongreso na huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
Aniya, ipinagdasal din niya ang kanyang mother network at umasang sa kabila ng panggigisa ng mga kongresista sa mga may-ari, ay aaprubahan pa rin ng mga ito ang franchise ng istasyon.
Sa kanyang Instagram, nag-post ng mensahe si Maricar para sa ABS-CBN at binalikan ang panahon kung paano siya tinulungan ng network para makabangon mula sa isang madilim na bahagi ng kanyang buhay.
“ABS-CBN. Di ko makakalimutan ang tulong nila sa akin… especially at the lowest point of my public life… nandun sila LAHAT para tumulong,” pahayag ng aktres sa kanyang IG post.
Pagpapatuloy pa niya, “I really thought congress would still grant them a franchise, then give the proper consequences for any proven violations.
“But the decision was not up to me, but to the elected officials. I will respect that,” sey pa ng misis ni Richard Poon.
Kasabay nito, nag-alay din ng dasal si Maricar para sa lahat ng mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho sa tuluyang pagsasara ng network.
“I pray for those who are worried about their future. Please don’t lose hope… there is always a way out of the darkest situations.
“God is just and righteous. And He knows better than we ever will. Lets trust Him on this.
“In the future we will all understand WHY this happened. Till, then… mahigpit na YAKAP SA LAHAT NG NAGHIHIRAP ngayong panahon ng pandemya— KAPAMILYA MAN O HINDI,” pahayag pa ni Maricar.