ISANG napakalutong na mura ang pinakawalan ni Angeline Quinto dahil sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN ng Kongreso.
Hindi na napigilan ng singer-actress ang sobrang galit kaya sunud-sunod ang maaanghang na salitang ipinost niya sa kanyang Twitter account.
Matapos ngang maglabas ng desisyon ang Congress nitong Biyernes na huwag nang payagang umere muli ang TV at radio ng ABS-CBN, kanya-kanyang post na ang mga Kapamilya stars ng kanilang saloobin tungkol sa issue.
Kung naging kalmado ang ilang sa mga artista ng Dos sa paglalabas ng kanilang sama ng loob sa mga kongresistang bumoto ng YES na huwag nang bigyan ng prangkisa ang network, napamura naman si Angeline sa matinding galit.
“Hindi aq perpektong tao. Nasasaktan po aq. Hihingi napo aq ng tawad sainyo. PUT***NG I***A! ginawa niyo sa aming lahat!” ang simulang tweet ng singer.
Hirit pa niya, “Hindi pa aq nakaka move on sa lovelife, pinatay niyo nanaman aq.”
Sinundan pa niya ito ng mensaheng, “Okey na ho. Naipasara na ang Abs-Cbn. Dun na po tayo sa totoong problema ng bansa.
“Ung mga nawalan ho ng trabaho, ung bawat pamilya ho na hindi alam paano bukas.
“At lalo ho sa Covid paano na ho natin ito susulosyunan,” matapang pang pahayag ni Angeline.
Dagdag pa niya, “SA LAHAT NG KAPAMILYA SA BUONG MUNDO, HINDI NATIN KAKALIMUTAN ANG ARAW NA ITO.
“NAPAKASAKIT NG GINAWA NIYO SA PANGALAWANG TAHANAN NAMIN. SA MGA KATRABAHO KO.
“NAPAKARAMI NIYONG SINAKTAN! NAPAKARAMI NIYONG INULILA. NASAAN ANG PUSO NIYO.”
Samantala, nag-post uli ang dalaga sa kanyang Instagram kaninang umaga ng mensahe patungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN at mukhang nahimasmasan na rin siya.
Aniya, “Ama, kahit kailan hindi mo kami pinabayaan. Maraming salamat po sa pagmamahal mo sa aming lahat. Salamat Ama.”