Prangkahang tanong ni Willie kay Janno: Never ka bang nambabae?

 

 

AMINADO si Janno Gibbs na nami-miss din niya ang mga regular program niya noon sa GMA 7.

Kabilang na nga riyan ang mga musical-variety show noon ng Kapuso Network na “S.O.P.,” “Party Pilipinas” at “Sunday All Stars.”

Mula nang magpaalam sa ere ang mga nabanggit na programa ay nawala na rin si Janno sa GMA, hanggang sa mabalita na ngang pumirma na siya ng kontrata sa Star Music ng ABS-CBN.

“Nami-miss ko rin siyempre, tatlong show din yun na sunud-sunod. Iba rin kasi yung feeling na live kayong nagpe-perform,” pahayag ni Janno nang muling mag-guest sa “Wowowin” ni Willie Revillame nitong Biyernes.

Mukhang magiging suki na nga ang King of Soul sa programa ni Willie sa GMA dahil ito na ang ikalawang guesting niya sa “Tutok To Win”. In fairness, aminado naman ang host ng show na isa sa mga favorite singers niya si Janno.

Samantala, sa isang bahagi ng show ay diretsahang tinanong ng TV host si Janno ng, “Totoo ba ’yung mga natsitsismis ka?” na ang tinutukoy ay ang pagiging playboy niya.

Hirit ni Janno, “Alam mo ako lang ang nachi-chismis. ’Yung mga kaibigan ko, hindi ko na babanggitin, sila ’yung mas matindi sa akin!”

Prangkahang tanong uli ni Willie sa kanya, “Never ka bang nambabae?” Na sinagot ni Janno ng, “Ako pa!”

* * *

Siguradong maaaliw na naman ang netizens sa latest vlog ng Kapuso star na si Paolo Contis sa kanyang YouTube channel kung saan ipinakita niya ang isang karaniwang araw sa pamilya nila ni LJ Reyes.

Siyempre, may kakaibang twist na naman ang vlog dahil gusto ni LJ na magpalit sila ng mga gawain sa bahay.

Bukod dito, inanunsyo din ng aktor sa kanyang Instagram account na available na sa video streaming platform na Netflix ang kanyang mga pelikula na “Through Night And Day” at “Ang Pangarap Kong Holdap.”

Dapat ding abangan si Paolo sa pagbabalik-telebisyon ng “All-Out Sundays: Stay Home Party” sa GMA tuwing Linggo sa bago nitong timeslot, 12:45 ng tanghali.

Read more...