Praning o nag-iingat lang: Rocco nagpakabit ng 13 CCTV camera sa bagong mansyon

 

SA laki at lawak ng bagong tayong mansion ng Kapuso actor na si Rocco Nacino kailangan talaga niya itong lagyan ng bonggang security system.

Sa panahon ngayon, dapat lang na siguruhin ng binata na may sapat na seguridad ang kanyang pinaghirapang bahay, hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa pamilya niyang titira roon.

Aminado si Rocco na halos isang dekada niyang pinagpaguran ang pagpapatayo ng kanyang dream house na matatagpuan sa tuktok ng bundok sa isang subdivision sa Antipolo, Rizal.

Kaya naman kahit na may security sa kanilang lugar, nagpalagay pa rin siya ng CCTV surveillance sa kanyang bahay.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Rocco na nagpa-install siya ng 13 CCTV camera sa bawat mahahalagang bahagi ng kanyang bahay.

At ang mas bongga, hindi lang basta CCTV ang ikinabit sa kanyang three-storey mansion kundi five-megapixel surveillance cameras!

Ayon kay Rocco, mas okay na ang maging praning sa seguridad niya kesa magsisi siya sa huli, lalo pa kapag natapos na ang COVID-19 pandemic at magbalik na sa normal ang trabaho sa showbiz.

* * *

Tiyak na matutuwa ang mga mommies sa magandang balitang hatid ng “Mars Pa More” hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa kanilang avid viewers.

Sa darating kasi na July 27 ay may fresh at special episodes ang morning talk show para sa pagdiriwang ng kanilang 1st anniversary.

Sa Instagram story ni Iya ay ipinasilip niya ang kanyang work from home set-up kung saan makikita ang cute na anak niyang si Leon na naglalaro sa likod.

Nag-post din ang bagong Kapuso mommy na si Solenn Heussaff sa kanyang Instagram story ng naging Zoom meeting niya kasama sina Iya at Camille.

Abangan ang masayang chikahan at kamustahan ng Kapuso moms na sina Iya, Camille at Solenn sa special episodes ng “Mars Pa More” para sa kanilang anniversary week simula July 27, 8:50 a.m., sa GMA.

Read more...