Chito mas bumilib kay Neri: Nagalit s’ya, sabi niya mag-asawa kami kailangan tulungan

 

KUNG may isang mister na napakaswerte sa kanyang misis, yan ay walang iba kundi ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Mismong ang OPM icon na ang nagsabi na bilib na bilib siya sa kanyang asawang si Neri Naig dahil bukod sa napakabait at napakasipag nito ay madiskarte pa ito sa lahat ng bagay.

Sa kanyang Instagram account, may pa-tribute pa ang singer para sa kanyang misis na aniya’y matatawag na ring bagong bayani dahil sa malasakit at pagtulong nito sa kanilang mga staff.

“Super Sipag! I took this picture of Neri bago ako matulog, at gigising na sya ulit by 5 or 6am, depende on how late she sleeps.

“Wala talaga sayang ‘off’ button. Ang pinaka-pahinga lang nya ay ang gardening, at ang pag-aalaga kay Miggy…at kahit na nakakapagod din yun, dun talaga sya nakakapag-relax,” simulang papuri ni Chito kay Neri.

Kuwento pa ng singer, bukod sa napakarami nang inaasikasong negosyo idagdag pa ang pag-aalaga sa kanilang pamilya, may bago na naman itong pinagkakaabalahan ngayon.

“In addition to managing several businesses, dealing with countless deadlines ng mga kelangan nyang ipost, running a household, and taking care of me and Miggy, may bago na naman sayang pinagkaka-abalahan: yung pagbenta, at pag-supply ng kape.

“Ang galing ng ginawa nila kasi aside from earning, and creating a new source of income, nabigyan nya pa yung staff nya ng opportunity to earn for themselves as well, habang sarado pa yung @nerisnotsosecretgarden.

“Sobrang laking bagay for me na masipag ang asawa ko…tag-team talaga kami eh,” mensahe pa ni Chito.

Pagpapatuloy pa niya, “Actually nagtampo sya sa akin recently, siguro mga 2 nights ago, kasi ayaw ko na mag-share sya sa mga gastusin dito sa bahay.

“Ang gusto nya kasi, habang sarado yung mga restaurants at bars that I am a part owner of, hati daw muna kasi sa mga gastusin.

“Sabi ko, wag sya mamroblema kasi madami akong contingency plans, mula Plan A hanggang Plan Z, at napaghandaan ko na naman ang lahat ng ito financially.

“Ang sabi nya, bakit ko kelangan paabutin sa Plan B, kung kaya naman nya mag-provide for our family? Sabi ko, gusto ko, bilang provider, hayaan nya lang ako kasi prepared naman ako for everything.

“Yun…nagalit na sya. Sabi nya kasi, mag-asawa kami, at kelangan tulungan kami sa lahat ng bagay. May point naman sya…ganun naman talaga dapat.

“So sabi ko, sige…pag-usapan nalang natin next time kasi ang haba na masyado ng caption ko,” pagtatapos ng bokalista ng Parokya.

Read more...