Ito ang sigaw ni Angel Locsin sa harap ng kapwa mga Kapamilya sa ginanap na vigil matapos ilabas ang desisyon ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.
Isa ang aktres sa mga artista at empleyado ng network na nakiisa sa ginanap na caravan sa building ng House of Representatives at sa vigil sa harap ng ABS-CBN sa Quezon City.
Matapos ang mahigit 10 beses na pagdinig ng Congress sa franchise application ng istasyon, nagdesisyon na nga ang Mababang Kapulungan na huwag nang i-renew ang prangkisa ng Dos.
“Sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Sa dami ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung paano isisigaw,” simulang mensahe ni Angel sa ginanap na vigil.
“Pero ang alam ko lang, ito ‘yung panahon para hindi tayo manahimik. Ito ‘yung panahon na hindi tayo dapat magwatak-watak. Ipakita natin kung ano ang relevance ng industriya na ‘to, na hindi lang tayo basta entertainment.
“Nakikiusap po ako, now is the time. Gamitin natin ‘yung boses natin sa tama. Naniniwala rin ako na ang isang kumpanya na may magandang hangarin para makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa gitna ng isang pandemya, ay kailangan na kailangan natin,” pagpapatuloy ng aktres.
Aniya pa, “Pero ang alam ko lang, ito ‘yung panahon para hindi tayo manahimik. Ito ‘yung panahon na hindi tayo dapat magwatak-watak. Ipakita natin kung ano ang relevance ng industriya na ‘to, na hindi lang tayo basta entertainment.
“Nakikiusap po ako, now is the time. Gamitin natin ‘yung boses natin sa tama. Naniniwala rin ako na ang isang kumpanya na may magandang hangarin para makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa gitna ng isang pandemya, ay kailangan na kailangan natin,” lahad pa ng dalaga.
Samantala, nagbalik-tanaw din si Angel noong panahon ng Martial Law, kung saan pwersahan ding ipinasara ang ABS-CBN.
“Lagi ko nakikita sa mga balita noon na, ‘Never again.’ Nakikita ko, nababasa ko sa history books. Ewan ko lang po ngayon sa ganitong generation. Huwag ho sana natin hayaan na dito na lang po matatapos ang ABS-CBN.
“Kailangan po natin ng isa’t isa, kailangan po natin magkaisa, dahil hindi lang po ito laban ng [isang] kumpanya. Buhay po ng mga tao ang nakasalalay dito — mga tao na may binabayaran, hinuhulugan, may pinapagamot, pinag-aaral, binubuhay na pamilya.
“Nakikiusap ako na magkaisa tayo. Iparamdam natin kung ano ang kayang magawa ng industriyang ito, pag tulong-tulong, kapag sama-sama,” aniya pa.