Gretchen proud DDS; walang alam sa #OustDuterteNow protest

MULING ibinandera ni Gretchen Barretto sa madlang pipol ang pagiging proud DDS (diehard Duterte supporter).

Ito’y matapos kumalat ang isang post social media na nananawagang patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing post ay galing umano sa isang Twitter user na may handle name na @realgretchenb at halatang isang anti-Duterte dahil sa mga ipino-post nito laban sa pamahalaan.

“I AM PRO DUTERTE!” Yan ang ipinagdiinan ng aktres with matching tatlong fist bump emojis na isa sa mga trademark hand gesture ni Pangulong Duterte.

Dinenay din ni Gretchen na sa kanya nanggaling ang viral tweet na may hashtag na “#oustdutertenow.”

“This is a FAKE Twitter ACCOUNT! I DO NOT HAVE A TWITTER ACCOUNT,” sey ng aktres.

Pati sa kanyang Instagram at ipinaalam ni Greta na may gumagamit sa pangalan niya na aktibong nakikisawsaw sa hearing ng Kongreso para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ipinost ng aktres sa IG ang screenshot mula sa fake account ng kanyang poser. Makikita sa tweet nito ang pagtawag niya ng “pigs” sa mga kongresistang bumoto ng “YES” sa pagbasura ng franchise application ng ABS-CBN.

Caption ni Gretchen sa kanyang post, “THIS IS A FAKE TWITTER ACCOUNT!!! I Have Not made a single statement regarding congress & abs cbn.”
Kung matatandaan, nalaman ng madlang pipol na malapit si Gretchen kay Duterte pati na ang pamilya Barretto nang personal itong pumunta sa burol ng kanyang ama.

Naging kontrobersyal pa nga ito nang mag-away-away ang Barretto sisters sa harap mismo ng Pangulo na wala ring nawaga para maging maayos ang relasyon ng magkakapatid.

Read more...