Dolphy buhay na buhay pa rin sa puso ni Zsa Zsa: I miss him everyday

NARARAMDAMAN ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na palagi pa rin siyang binabantayan ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Hanggang ngayon ay nananatiling buhay sa kanyang puso’t isipan si Mang Pidol at inamin niyang araw-araw ay nami-miss pa rin niya ito.
Kahapon, muling dinalaw ng singer-actress ang puntod ng King of Comedy para gunitain ang 8th death anniversary nito.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Zsa Zsa ang ilang litrato na kuha sa puntod ng dating partner kasabay ng paghiling sa madlang pipol na patuloy na ipagdasal ang kaluluwa ng Comedy King.

“Today marks the 8th death anniversary of Dolphy. Please say a little prayer for him.

“I miss him everyday and I know that he is always with me in spirit. Please write a little something below to let me know how his life work has influenced you or your parents/grandparents.

“I’ll be so happy to know how he has put laugher in your hearts. That way, his memory lives on,” caption ng Divine Diva sa kanyang IG photos.

Pumanaw si Mang Dolphy sa edad na 83 noong July 10, 2012 dahil sa chronic obstructive pulmonary disease. Nagkaroon sila ng isang anak ni Zsa Zsa, si Zia Quizon at ang adopted daughter nilang si Nicole.

Nakatakda nang ikasal si Zsa Zsa sa kanyang longtime boyfriend na si Conrad Onglao. Sabi nga ng aktres sa isang panayam, “Sobrang saya. Talagang napaka-blessed ko na dumating si Architect Conrad sa buhay ko kasi before that, mahirap talaga.”

“Kapag talagang may dumating na sa palagay mo siya na ‘yun, wala ka nang magagawa. Saka hindi na tayo bagets,” aniya pa.

Read more...