Ano na ang mangyayari matapos hatulan ang ABS-CBN; Coco, Angel, Vice, Juday aaksyon ba?

 

HINATULAN na ng House Committee on Legislative Franchises ang prangkisa ng ABS-CBN. Hindi na ni-renew ang franchise ng TV network.

 

Now, what are the possible scenarios matapos magdesisyon ang Kongreso na huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN?

 

For one, about 70 million viewers ang permanenteng mawawalan ng pagkukunan ng balita, impormasyon, at libangan.

 

Mawawalan din ang gobyerno ng bilyon-bilyong kontribusyon sa buwis. Nagbayad kasi ang ABS-CBN ng P71 bilyon na buwis mula 2003 hanggang 2019 sa bansa at malaking kawalan itong kontribusyon ng network kung hindi sila mabibigyan ng bagong prangkisa na tulong sana sa national budget para may funds ang mga proyekto ng gobyerno.

 

Of course, there’s this 11,071  manggagawa ng network na maaring mawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya at mga OFWs na pinapawi ang pangungulila sa pamamagitan ng TFC (The Filipino Channel) na naghahatid ng Kapamilya teleseryes at mga pelikula ng ABS-CBN abroad.

 

Also, apektado rin ang mga Pilipinong nais ipakita ang kanilang talento. There are so many talented Pinoys na nakilala hindi lang sa bansa, kundi pati sa buong mundo dahil sa talent reality shows ng Kapamilya network.

 

Kapag nawala ang ABS-CBN, mawawalan din sila ng projects at hindi na nila maibibida ang kanilang talento na nagbibigay saya at inspirasyon.

 

Aside from this, kaya palang pagsilbihan ang 7.6 milyong estudyante ngayong school year ng Knowledge Channel ng ABS-CBN. Sagot na sana ito sa hamon ng distance learning ng bansa dahil 50% ng pinaka importanteng mga aralin mula sa DepEd base sa K to 12 curriculum ay nagawa na bilang video ng Knowledge Channel.

 

Mahihirapan din na maglingkod ang ABS-CBN Foundation. Kung mawala ang network, tiyak na mapipilay ang operasyon ng foundation na maraming napaglingkuran na Pilipino sa loob ng maraming taon.

 

Ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN ay siguradong tatatak sa ating kasaysayan bilang katapusan ng nangungunang network sa Philippine broadcasting na nagpakilala sa atin ng color television, cable TV, at digital TV na naghatid sa mga Pilipino ng mas malinaw at dekalidad na panonood ng telebisyon kasama ang buong pamilya.

 

Ang tanong ano na kaya ang susunod na hakbang ng network? May gawin kayang aksyon about this ang malalaking artista ng ABS-CBN tulad nina Coco Martin, Judy Ann Santos, Vice Ganda, Piolo Pascual, Angel Locsin at marami pang iba? Yan ang dapat nating abangan!

Read more...