‘HuQuote’ ni Kuya Kim kontra bashers trending; walang balak tumakbo sa eleksiyon

HOT topic ngayon sa social media ang mga hugot posts ng Kapamilya TV host na si Kim Atienza.

Trending at viral na ang mga trivia ni Kuya Kim na patungkol sa mga hater at basher na walang ginawa kundi tirahin ang ABS-CBN.

Hindi man binanggit ng TV host kung para kanino ang kanyang mga pa-trivia, naniniwala ang kanyang followers na ito ang sagot niya sa mga kumokontra sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga trending trivia ni Kuya Kim na bentang-benta sa mga netizens at ni-like ng mga kampi sa Kapamilya station.

“Alam niyo ba na crocodiles shed tears not because of emotion? They release saline deposits by crying. Ang idiom na crocodile tears ay pagluhang hindi sinsero.”

“If they ‘hated’ my network (past tense) that means they love it now. (present tense) Alam mo ba na ang ‘Kamo’ ay lumang salitang tagalog mula sa dalawang salitang ‘wika mo’. #kuyakimtrivia.”

Ipinagdiinan naman ni Kuya Kim sa isa pa niyang mensahe na wala na siyang balak pumasok sa mundo ng politika.

“I will always be your Kuya Kim. I’ve long said no to politics. With or without ABS, I’ll always be your kuya never your cong(ressman),” aniya.

Hirit pa niya, “Alam niyo ba na lahat ng mambabatas ay bayaran? Meron po silang salary grade na 31 at may yearly salary na 257,000. (plus allowances) Bayaran po lahat sila. Hindi po sila libre.”

At ito pa, “Alam mo ba pag 5 lang ang followers malamang ito ay isang troll account. Ang troll ay mula sa salitang Danish na Trold na ang ibig sabihin ay ugly dwarf.”

Read more...