Paano kinokontrol ni Andi ang galit pag may ginawang sablay ang 2 anak?

HABANG tumatagal, mas lalo pang naiintindihan at napi-feel ni Andi Eigenmann kung gaano talaga kahirap ang maging nanay.
Magkakasama ngayon ang mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao with Andi’s partner Philmar Alipayo. Ayon kay Andi, araw-araw ay dumadaan siya sa iba’t ibang challenge bilang mommy.
Sa latest Instagram post ng aktres, ibinahagi niya ang isang eksena sa kanilang bahay kung saan muntik na niyang pagalitan sina Ellie at Lilo dahil sa “kasalanan” ng mga ito.

Hashtag #shookt si Andi nang makita ang kumalat na tinta sa kanyang “best sheets.” Siyempre, ang unang naramdaman ng nanay ay gigil at galit.

Ipinost pa niya ang litrato ng stained sheet sa kanyang Instagram account na may caption na, “MOM LYF at it’s finest.

“LOL! I was really upset that Lilo stained my best sheets with a marker. And that Ellie, on the other hand, let her play with her pens!

“But just as I was reminded by my partner, that it was my bad for not being as attentive as I shouldve been.”

At para makalimutan pansamantala ang ginawa ng mga anak, dumiretso siya sa banyo at naligo, “My fave/ most achievable form of self care— taking a nice warm shower!”

“After a few seconds, I turn around and see these two making faces in the glass door GAHH.

“This is what it means to be a mom of little kids. You get no privacy whatsoever but you’ll love it anyway!” sey pa ni Andi.

Samantala, sa kanya namang Instagram story, sinabi ng anak ni Jaclyn Jose na dahil sa ginawang “kasalanan” ng mga anak, natutunan niyang mas pahabain pa ang kanyang pasensiya.

“I usually get comments on how ‘chill’ I seem to be as a parent.

“I learned, long ago, how being so implusive can just cause you a lot of pain (on yourself and others).

“So it’s really impt to assess your feelings first before expressing them,” sabi pa ni Andi.

Read more...