‘I Love You 2’ ni Maymay humamig na ng 1M views; 10 short films pasok sa Cinemalaya 2020

INANUNSIYO na ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang mga short films na maglalaban-laban ngayong 2020.

Dahil pa rin sa COVID-19 pandemic, mapapanood an short film finalists simula Agosto 7 hanggang Agosto 16 sa Vimeo LLC online video.

Narito ang 10 short films na maswerteng napili para sa 2020 Cinemalaya at mapapanood sa pamamagitan ng virtual screening: “Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert” nina Janina Gacosta at Cheska Marfori; “Ang Pagpakalma sa Unos” (To Calm the Pig Inside) ni Joanna Vasquez Arong.

Pasok din ang “Excuse Me Miss Miss, Miss” ni Sonny Calvento; “Fatigued” ni James Robin M. Mayo; “Living Things” ni Martika Ramirez Escobar; “Quing Lalam ning Aldo (Under the Sun)” ni Reeden Fajardo.

Nandiyan din ang “Pabasa Kan Pasyon” ni Hubert Tibi; “Tokwifi” ni Carla Pulido Ocampo; “Utwas” nina Richard Jeroui Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay; at “The Slums” ni Jan Andrei Cobey.

* * *

UMABOT na sa mahigit 1 million views ang nakuha ng bagongvmusic video ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata.

Mula nang i-upload ang music video para sa bagong single ni Maymay na “I Love You 2” last week, mabilis itong nag-viral sa Facebook.

Balitang mahigit 1.1 million views na ang nahamig ng “I Love You 2” na isang tribute para sa ABS-CBN.

Ang “I Love You 2” ay mula sa komposisyon ni Joven Tan at ipinrosyus ng Star POP head na si Rox Santos kasama ang ABS-CBN Music’s head Roxy Liquigan.

Read more...