Alessandra sa patuloy na pagtaas ng COVID case: It kills my soul! Ano, ABS-CBN pa rin ang issue?

alessandraBAD-TRIP na si Alessandra de Rossi sa tila pagpapabaya ng mga kinauukulan sa mga problemang kinakaharap ngayon ng Pilipinas dahil sa COVID-19 crisis.

Partikular na inireklamo ng aktres ang kakulangan umano sa pagtutok sa mga Pinoy na patuloy na nagugutom, health issues at ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Napapansin din niya na parang mas marami pang panahon ang Kongreso sa pagtalakay sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Tweet ni Alex, “It kills my soul. 2k cases, 2 days straight. Sige, let’s focus on abs cbn pa.

“Let’s talk about anything that’s used a smokescreen to mask the reality!

“We are not winning. People are hungry, sick and dying, and they need to risk their lives for food. Ano ABSCBN parin ang issue?”

Ni-repost din ng aktres ang news bulletin mula sa Department of Health kung saan makikitang umabot na sa mahigit 46,000 ang COVID-19 cases sa Pilipinas (as of July 6).

May mga sumang-ayon sa hugot ni Alessandra pero may mga bumatikos din at nagsabing walang perpektong gobyerno at tama lang ang ginagawang pag-iimbestiga ng mga kongresista sa mga nilabag na batas umano ng ABS-CBN.

May nagsabi rin kay Alessandra na tutukan niya ang hearing sa Congress para malaman niya kung saan nanggagaling ang kongreso sa paulit-ulit na pagtatanong sa mga boss ng network.

Ito naman ang sagot ni Alex sa bashers, “Wala akong paki. Sana tulungan natin ang DOH kasi ilan lang sila doon.

“Kung may power ka at mga tao, utusan at tulungan natin kaya ang DOH?” katwiran pa ng dalaga.

Isang netizen din ang sinagot ni Alex na nagsabing “bread and butter” kasi niya ang ABS-CBN kaya feeling nito ang istasyon lang ang nag-iisang TV network sa bansa.

“Hindi nila ako talent po. Never akong nagka contract ever. Wala rin akong show sa kanila. 2 years na akong tumatanggi. FYI. Viva ang bread and butter ko,” aniya.

Hirit pa ng dalaga, “Wag ka magsalita na parang kilala mo ako. Nakakahiya sa nagpalaki sayo… forever na yan sa social media.”
Sa mga nagsabi namang tumigil na siya sa karereklamo sa gobyerno at tumulong na lang sa mga nangangailangan, ito ang bwelta ni Alessandra, “Ginagawa ko po palagi. Di ko lang tinitweet kasi hindi lang talaga ako ganun.

“But I do what I can, I give the best of me, WITH ALL THAT’S LEFT OF ME. hindi ako mayaman. Alam yan ng lahat dahil bihira lang ako tumanggap ng work,” sey pa ng sister ni Assunta de Rossi.

Read more...