BENTANG-BENTA sa madlang pipol ang ginawang “car raid” ni Erich Gonzales sa sasakyan ni Enchong Dee na mapapanood sa bagong vlog ng aktres.
Napanatili kasi ng dating magka-loveteam ang kanilang friendship kahit na hindi na sila nagkakasama sa trabaho. Hindi man sila nagkatuluyan sa totoong buhay, mukhang may forever naman ang pagiging magkaibigan nila.
Sa unang bahagi ng vlog ni Erich, ipinakita ang ilang items na natagpuan niya sa loob ng sasakyan ni Enchong na karamihan ay mga “Tito” stuff, kabilang na riyan ang food supplement, alcohol, pabango at liniment para sa sumasakit na katawan.
Naging seryoso naman ang usapan ng dalawa nang matanong ang aktor tungkol sa iba pa niyang plano sa buhay lalo na ngayong wala pa ring kasiguruhan ang kinabukasan ng mundo dahil sa COVID-19.
“I’m in an area of my life wherein ‘yung path ko soon would just divide. And that’s the hardest part, to make a decision again.
“Because the last time I made a decision about whether to continue my swimming or show business, it was such a hard decision. But I told myself I don’t want to have any regrets,” ani Enchong.
Balak daw niyang mag-lie low sa showbiz para makapag-focus sa mga bagay na hindi lang makakatulong sa kanya kundi pati na rin sa sambayanang Pinoy.
“So, itong susunod na to will also determine kung who I want to be in 10 years. So I told myself I will probably retire from working regularly.
“Kailangan kong mag-make ng decisions soon. Either to continue what I love doing which is our work or do something more substantial. Either in business or for my country, ‘di ba?” sey ng binata.
Inamin din niya na nakararanas na rin siya ng anxiety attacks, “Even if wala ka namang sakit, you’ll have a hard time breathing or parang ‘yung throat mo nangangati. ‘Yung mga ganu’n. Pero sabi ko, maybe I just need to shrug it off.”
Para sa lahat ng tulad niyang nakaka-experience din ng anxiety may payo si Enchong para labanan ito, “First of all, embrace this. If you have friend or if you’re with your family, enjoy that. Enjoy that moment.
“Especially now. Because ito lang ‘yung meron tayo. We always have each other pero magkakahiwalay. ‘Yung you message them with as simple as ‘Kumusta ka?’ ’or ‘I love you’ or ‘I miss you’, malaking bagay ‘yun na nagagawa mo sa ibang tao. As simple as saying hi and hello will go a long way,” sabi pa ng binata kay Erich.