2 sosyalerang bike ni Jinkee nagkakahalaga ng P1M; Ging Reyes may inamin sa ABS-CBN

 

JINKEE Pacquiao loves everything Hermes – from bags to shoes to bling blings to accessories.

 

And now bikes.

 

Yes, mayroong bicycles ang Hermes. In fact, Manny Pacquiao’s wife had two.  She posted a photo of her Hermes bikes sa kanyang Instagram account with this caption: “His and Hers.”

 

Colorful ang pambabaeng bike ni Jinkee, it was in pastel color.  Although very simple lang naman, talagang nagmumura ang  nakalagay na logo ng Hermes.

 

When we researched for it, naloka kami sa presyuhan.  Talagang luxury bikes ang Hermes.  Imagine, ang pinakamura ay $10,000.  Kapag ipina-convert mo ‘yun sa peso ay tumataginting na P500,000!  So, one million ang halaga o higit pa ng dalawang bikes ni Jinkee.

 

Naku, ikaw na ang mayaman.

 

Kungsabagay, carry naman at can afford naman si Jinkee na bumili ng Hermes bikes, ‘no.

 

At ang nakakaloka kay Jinkee, hindi siya nag-uulit ng damit sa kanyang Instagram posts. Talagang mapapa-wow ka sa mga damit at gamit niya.  She has all the luxury brands in the world – Gucci, Chanel, Louis Vuitton, Prada.  Name it, she really have it na.

* * *

ABS-CBN News head Ging Reyes stressed the importance of journalism sa ika-12 pagdinig para sa prangkisa ng ABS-CBN sa House of Representatives kahapon.

 

“Every reporter, writer, producer, anchor, every editor, in the newsroom knows that what we do is not just a job. It is a response to a call to tell the truth and work for a cause greater than ourselves,” she said.

 

Reyes was there upang ipagtanggol ang kanyang organisasyon sa mga akusasyon na may pinapanigan ito sa pagbabalita.

 

She stressed na  bilang mga propesyonal na mamamahayag, sinisikap nilang bantayan ang bias at magbalita sa mga pangyayari, indibidwal, at isyu nang tama, patas at sa balanseng pamamaraan.

 

Ang pagbabalita ng katotohanan at serbisyo publiko daw ang hangarin ng bawat mamamahayag. Ito ang kanilang layunin sa bawat pagsalubong sa sakuna upang magbigay ng impormasyong makapagliligtas ng buhay, sa paglalahad ng kwento sa likod ng mga numero, at pagbibigay boses sa mga Pilipinong nangangailangan.

 

Ito raw ang mga bagay na nahihirapan na silang gawin ngayon matapos ang dalawang cease and desist orders na ipinataw sa ABS-CBN, una noong Mayo 5, at pangalawa noong Hunyo 30.

 

Ang lubos na apektado raw dito ang mga Pilipino sa malalayong lugar na tanging ABS-CBN lang ang nakakaabot, at ang mga pamilyang hindi kaya magbayad para sa cable TV o internet.

 

“The shutdown has deprived more than 69 million Filipinos of the kind of information analysis and commentary and public service provided by ABS-CBN News. It has cut off our reach such that two out of three viewers are unable to watch our news programs,” sabi niya.

 

Nabanggit din ni Reyes na nagkakamali rin sila sa kanilang pagsagawa ng trabaho, ngunit ito ay itinatama nila agad. Pahayag niya, mayroon silang network ombudsman na tumatanggap, nag-iimbestiga, at nagbibigay ng rekomendasyon sa mga reklamo sa mga taga-ABS-CBN News.

 

Mayroon din silang standards at practices unit na sinisiguradong sumusunod ang mga journalist ng network sa kanilang sariling code of ethics at ang pinakamataas na pamantayan sa pamamahayag.

Read more...