NGAYONG araw muling sasailalim sa operasyon ang bagong silang na anak ni Super Tekla na ipinanganak na walang butas ang pwit o ang tinatawag na “anorectal malformation”.
Abot-langit ang pasasalamat ng Kapuso TV host-comedian sa lahat ng tumutulong at nagdarasal para sa paggaling ni Baby Angelo, lalo na kay Willie Revillame na kinuha rin niyang ninong ng sanggol.
Dahil sa dami ng mga tumulong kay Baby Angelo ay naging matagumpay ang unang operasyong ginawa sa kanya at ngayon nga ay muli itong sasailalim sa surgery.
Bukod kay Willie at sa co-host nito sa “Wowowin” na si Donita Nose, nagpasalamat din siya sa iba pang personalidad na nagpaabot ng ayuda para sa kanilang mag-ama.
Narito ang mensaheng ipinost niya sa kanyang Facebook, “Sa aking Tahanan, GMA Network! Salamat sa pinakamamahal naming Boss Atty. Felipe L. Gozon, Thank you Boss for granting a benefit show for my little boy baby Angelo.
“GMA [Kapuso] Foundation, GMA Artist Center, sa Entertainment Group headed by Ms. Lilybeth [Rasonable], Ms. Redgie [Magno], Ms. Cheryl [Ching-Sy], at mga PM, lalong lalo na sa aking BDD2 family Ms. Janine [Piad-Nacar], Ms. Bang [Arespacochaga), Ms. Mildred [Natividad] at Ms. Nini Matilac, at sa aking manager Rosemarie Parado Conde.
“Salamat din sa ating mahal at public servant na nagbigay na tulong kay Baby Angelo, Sen. Bong Revilla Jr., Sen. Bong Go. Thank you rin kay Ninong Willie (Wilfredo Revillame) at Ninang Donita Nose at sa mga kasamahan ko sa industry, Direk Archie Riola, Direk Rico Gutierrez at sa aking sobrang bait at kahit anung oras at sitwasyon andiyan siya, Ninong Nelson Canlas.
“Salamat sa mga nag-bid sa auction ni Ninang Lovely Abella kagabi para sa operation ni Baby Angelo at sa AOS (All Out Sundays) Family, sa mga kapwa ko comedians lalo na sa aking partner na si Boobay (Norman Balbuena).”
Dasal naman ni Super Tekla, “Panginoon, patnubayan po ninyo at balutin mo ng iyong kapangyarihan ma-guide, maisagawa ng mga doctor na mag-opera sa kanya. Sana’y patnubayan mo po na maging safe at matagumpay ang pinakamaselan at delikadong operation ni Angelo.
“Nak, fight fight lang ha. Ang daming nagmamahal at nagdarasal sa’yo. Andito lang si Daddy. Be strong! Mahal na mahal ka namin ni Ate mo Airah. In Jesus’s name, amen!”