Bakit nag-iiyak si Zsa Zsa Padilla sa CR ng ospital?

 

NAPATUNAYAN muli ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla kung gaano ka-powerful ang taimtim na pagdarasal sa Diyos.

Bago magpatupad ng lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 crisis, isinugod pala niya sa ospital ang anak na si Nicole dahil sa biglang pagtaas ng heart rate nito.

“She just sent me a text. Sabi niya, ‘Mama, my heart rate is so fast.’ Sabi ko, ‘Where are you?’ Sabi niya, ‘I’m home.’ Sabi ko, ‘I’m gonna get you. I will pick you up and I will bring you to the hospital,’” simulang pahayag niya kay Ruffa Gutierrez sa online show nitong “Love Thy Chika”.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento, “When you break down, magbe-breakdown din ‘yung anak mo at nenerbyusin din, so you have to be strong. Luckily, napakapuno ng ER nung araw na ‘yun, at may COVID na nun. Swerte lang kami na hindi pa lockdown.

“I think they already knew na nagkakaroon siya ng thyroid blast or thyroid storm. And it’s very deadly, that’s what they say kasi lahat na ng sintomas lalabas na. May fever ka, ‘yung heart rate mo mabilis, hindi ka makahinga,” sabi pa ng singer-actress.

Pero inamin ni Zsa Zsa na inatake na siya ng matinding takot nang sabihin ng mga doktors na kailangan nang ilipat si Nicole sa ICU (intensive care unit).

“Nu’ng sinabi nila, una sa telemetry unit ilalagay which is parang imo-monitor ‘yung heart, familiar naman ako doon kasi na-bypass si Dolphy. Maya-maya sinabi, ilalagay na siya sa ICU.

“So buti na lang dumating ‘yung boyfriend niya at si Conrad (Onglao) so, sabi ko I’m just gonna go to the bathroom. When I went to the bathroom, doon na ako umiyak,” ani Zsa Zsa.

Naglaan muna raw siya ng ilang sandali para magdasal, “I prayed so hard. Paglabas ko, they said she’s already responding to the medication so she doesn’t have to be in the ICU. Sa regular room na lang siya.”

Kuwento pa niya, patuloy pa rin ang medication ni Nicole at very soon ay kailangan na nilang mag-decide kung papayag silang sumailalim ang anak sa radiation o surgery.

Read more...