AlDub Nation muling pinakilig ni Alden; may sweet paandar para sa 5th anniv ni Maine

MULING kinilig ang loyal at die hard AlDub fans sa paandar ni Alden Richards para sa dati niyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Feel na feel ng AlDub Nation ang ginawang sweet video greeting ng Asia’s Multimedia Star bilang sorpresa niya sa 5th anniversary ng Dubsmash Queen sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Alden, forever niyang ite-treasure ang lahat ng pinagsamahan nila ni Maine sa loob ng nakaraang limang taon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga pinagdaanan nila ng ka-loveteam.

“Maine, gulat ka, noh? Akala mo kung sino. ‘Di, joke lang. Happy, happy 5th anniversary sa showbiz,” simulang bati ng Pambansang Bae.

“Sobrang tine-treasure ko lahat ng mga pinagsamahan at pinagdaanan natin throughout these years. Through the ups and downs, good and bad, happy, sad, sobrang saya ko,” aniya pa.

Tuwang-tuwa naman si Maine nang mapanood ang video ni Alden na ipinalabas sa “24 Oras.” Nagpasalamat naman ang Phenomenal Star sa lahat ng mga bumati sa kanyang anniversary.

“Grabe ang bilis ng panahon! Salamat sa mga nagmahal, nagmamahal, at patuloy na magmamahal. Gasolina ka ghorl?!”

“Salamat sa limang taon!” hirit pa niya.

Kung matatandaan, unang napanood si Maine sa live episode ng “Eat Bulaga” noong July 4, 2015.

Dito nabuo ang makasaysayang AlDub loveteam na pinagsamang pangalan ni Alden at ni Maine bilang si “Yaya Dub” hanggang sa isilang na nga ang iconic segment ng Eat Bulaga na Kalyeserye.

Read more...