outbrain

Hugot ni Mega: Never akong nagalit nang ganito, kasi mukha kaming nababoy

By Ervin Santiago July 06,2020
share this

Hugot ni Mega: Never akong nagalit nang ganito, kasi mukha kaming nababoy

By Ervin Santiago July 06,2020 - 02:40 PM

 

HINDI na kailangang ipagyabang ni Sharon Cuneta ang kanyang kayamanan dahil matagal ng alam ng madlang pipol na isa siyang bilyonarya.

Ito ang ipinagdiinan ng Megastar matapos tawaging mayabang ng ilang netizens dahil lagi raw niyang ipinangangalandakan ang kanyang yaman kapag may kaaway o kasagutan siya sa social media.

Sunud-sunod ang kontrobersyang hinarap ng Kapamilya singer-actress nitong mga nakaraang araw kaya naman lagi siyang laman ng headlines.

Kasama na riyan ang issue sa kanila ng dating kaibigan at veteran showbiz writer na si Ronald Carballo at ang pagdepensa niya sa anak na si Frankie Pangilinan laban sa taong naglabas ng rape threat sa dalaga.

Humarap muli si Shawie sa madlang pipol sa pamamagitan ng isang vlog na kanyang ipinost sa YouTube kung saan nagbigay siya ng updates about her personal life.

“So much has happened over the past few weeks, and I have been doing a lot of thinking and praying. Thank you to those of you who refuse to believe the lies that bashers have been spreading about me, ignoring the ‘whys’ of why I reacted in certain ways and twisting my words.

“Thank you to all of you who continue to have faith and believe in me. Love you guys and I cannot tell you how much your support means to me. God bless you all!” ang caption ni Mega sa nasanbing video.

Aniya, okay naman ang kundisyon niya ngayon sa kabila ng mga pinagdaanang issue recently, kabilang na ang ginagawang pambabastos sa kanya ng bashers, “I’m not my usual, happy self yet but I’m doing okay because I trust in God.

“Those that know me, who really know me, and God himself, they all know me and my heart so that’s all that matters. I’ve been getting a lot of bashing on social media lately and it’s very sad kasi dati lumalaki ako, pag may decision ka, you fight for your child dahil binabastos.

“Parang nirerespeto yun eh, dahil nanay ka, di ba? Sino pa ba ang lalaban para sa anak mo kung hindi ikaw.

“Wala akong tinatago sa inyo. Pag galit ako, galit ako. Pag masaya ako, masaya ako. Pag malungkot ako, malungkot ako. Mahirap magpaka-plastic ng 42 years in the public eye. So I’ve always been true to you.

“Kaya lang never akong nagalit ng ganito, kasi mukha kaming, excuse the word, ‘nababoy’ ng ganito. Mothers will understand. And to those of you who don’t, I’m really sorry. That’s not my problem anymore. I can only hope that someday, you come to understand.

“I’ve always been true to you. God knows that and I never use His name in vain because I fear Him. I believe na babalik sa yo, you know you reap what you sow. That’s why I am not afraid,” lahad ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.

Chika pa ni Sharon, “I’ve been getting a lot of bashing because of my fighting for Frankie. Now they’re using these words na mayabang. Hindi ako nagyabang about my wealth kasi alam na ng tao yun noon pa.

“Ngayon ko lang sinabi and that was directed towards yung writer na dati kong kaibigan. Hindi po pagyayabang yun. If it’s such a big deal, this wealth that I have worked so hard for, talagang blood, sweat, and tears ang puhunan ko diyan.

“I want to tell you all this wealth has helped many people and touched many people’s lives and I’m not the type to enumerate to you kung ano pa ang nagawa ng naipon kong yan. Bahala na ang Diyos. But 95% of what I have done, you have no idea and I will not even tell you. I have no intention to.

“Salamat sa lahat ng naniniwala. I will not let you down. I’m the same person, just smarter. A little wiser at palaban na. Nanay na po eh,” pagtatapos ng nag-iisang Megastar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending