Loisa Andalio, Ronnie Alonte magka-live-in na ba?

 

NAGSASAMA na nga ba sa isang bahay ang Kapamilya young couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio?

Yan ang tanong ng madlang pipol dahil nga mas madalas silang makitang magkasama ngayon sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Kamakailan lang ay naging hot topic sa social media ang ipinost na litrato ni Ronnie sa Instagram kung saan makikita sila ni Loisa na naglalakad patungo sa isang bahay.

Wala itong caption kundi isang house emoji.

Nag-comment naman si Loisa gamit ang mga emoji ng mayandang lalaki at babae with matching sparkle and heart emoji. Siyempre, kinilig naman nang bonggang-bongga ang LoiNie fans.

Sa interview ng “I Feel U” sa magkasintahan, diretsahan na nilang sinagot ang tanong ng madlang pipol kung sa isang bahay na lang sila ngayon nakatira.

“Kasi, kami ni Ronnie, parang magkapitbahay na kasi kami, e. Laguna, tapos Cavite. Kumbaga, isang exit…

“Kumbaga, parang ganoon lang namin kamahal ang isa’t isa, na lagi kami magkasama, na akala nila mag-live in kami kasi lagi kami magkasama,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, inamin naman ng Kapamilya couple na napag-uusapan na rin nila ang kasal at ang pagbuo ng sarili nilang pamilya.

“Oo. Napag-uusapan na rin namin ang mga ganyang bagay. Lagi ko naman sinasabi sa kanya iyon, na nararamdaman ko iyon,” ani Ronnie.

Dagdag pa niya, “Siyempre, kami, na parang alam naman ho namin na madami na naman pagsusubok na pagdadaanan.

“Hindi ganoon kahaba relasyon namin, pero alam naman po namin sa isa’t isa na kaya.

“Kaya lagi ko po sa kanya pinapaalala araw-araw, ‘Uy, pagdating isang araw…’ magkasama na kami sa isang bahay. Papakasal kami. Excited na ako sa mga puwede mangyari sa aming dalawa,” pahayag pa ng binata.

Read more...