Awra: Sobrang dami kong hirap na pinagdaanan…pero kinaya ko!

PROUD na proud sa kanyang sarili ang Kapamilya youngstar na si Awra Briguela.

Sa kabila kasi ng matitinding pagsubok na pinagdaanan niya sa buhay ay nananatili pa rin siyang matatag at lumalaban.

Isa sa maituturing niyang bagong blessing ay ang pagtatapos niya sa junior high school. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Awra ng kanyang “graduation photo”.

Aniya sa caption, “Congrats self!!! finally nakapag tapos kana ng high school! Ano na next? Senior high school tapos college?”

Kuwento ng youngstar sa kanyang IG followers, hindi naging madali para sa kanya ang pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral. Matinding sakripisyo at disiplina raw ang pinairal niya para magtagumpay.

“Grabe! sobrang bilis lang ng panahon, nag umpisa ako mga artista taong 2016 and yes! Never akong tumigil sa pag-aaral kahit sobrang hirap pagsabayin ng pag-aaral at pag-tatrabaho, hindi naging madali kase nakakapagod pero kinaya ko kasi gusto ko!

“Maraming beses akong nawalan ng gana kase sobrang nakakapagod nga at maraming naging problema pero sabi ko sa sarili ko, hindi pwede! Kailangan kong kayanin kailangan kong malagpasan!

“Sobrang dami kong pinagdaan sa 4yrs kong pag-aartista at pagiging studyante, pero kahit anong pagod at hirap ang pinagdaanan ko kinaya ko kase nag-enjoy lang ako!

“Sobrang saya na naranasan ko to sa gantong klase ng edad kase alam mo yun? ‘Di ko akalain na makakaya kong pag sabayin ang pag-aaral at pag-tatrabaho?

“Sobrang proud lang ako sa sarili ko kase kinaya ko lahat ng problemang pinagdaanan ko, imagine? Problema sa pamilya, school,trabaho at sa sarili, kinaya ko lahat? HOY AKO LANG TO!! Charoot.”

Nagpasalamat din ang anak-anakan ni Coco Martin sa seryeng Ang Probinsyano sa lahat ng mga tumulong at naging inspirasyon niya bilang dakilang working student.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong naniwala at gumabay sa kin, sa mga naging katrabaho, kaklase, guro ko, salamat po sa inyo! Mahal na mahal ko kayo! Lalong lalo na sa pamilya ko kasi kung wala kayo wala din ako, alam kong ‘di ako perpekto, marami din akong mga maling bagay na nagawa pero inyong tinama!

“Ako’y natuto kaya yung pagkakamaling nagawa ko aking tinama, mahal ko yung sarili ko kaya ginagawa ko lahat para sa ikabubuti ko! Kakayanin lahat ng problema at pagsubok at higit sa lahat. ipapangakong kahit kailan ‘di susuko. Xoxo, McNeal Anilov N. Briguela.”

Read more...