Julie Anne tinawag na patron saint of moving on; Bitoy hindi feel si Iron Man

 

MAY “patron saint” na pala ang mga Pinoy para sa mas mabilis na pagmu-move on mula sa pagiging brokenhearted.

Ang tinutukoy namin ay si Kapuso singer-actress-TV host na si Julie Anne San Jose.

Hindi lang Asia’s Pop Diva ang tawag ngayon sa dalaga ng kanyang fans and social media followers, siya na rin ngayon ang itinuturing na “patron saint of moving on.”

Sa interview kay Julie Anne, ipinaliwanag niya ang mga ginawang hakbang para maka-get over noon mula sa isang heartbreak.

Kuwento niya, “Iba-ibang paraan naman ang tao para maka-move on ‘di ba? For me, what I did was… madali kasi ako maka-move on.

“I don’t know. Since mako-consider din ‘yung medyo preoccupied din ako with other stuff, like busy rin ako sa work at sa iba kong ginagawa.

“I keep myself productive at home and then I go out with friends, so nandoon ‘yung support din from the people who really love me,” aniya.

Sa ngayon ay nananatiling single si Julie at naka-focus muna sa kanyang showbiz at music career.

Samantala, extended ang online auditions ng Season 3 ng Kapuso singing search na “The Clash” hosted by Julie Anne and Rayver Cruz.

* * *

Avid fan ng Marvel Cinematic Universe ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V.

Madalas din niya sabihin na ang paborito niyang superhero ay si Iron Man.

Pero sa latest vlog nito, naikuwento niya na noon ay hindi siya gaanong fan ni Tony Stark, “Originally, hindi ako fan ni Iron Man. Hindi ko kino-collect ‘yung comic book niya kaya konting-konti lang ang alam ko sa history niya.

“Naging fan lang ako nu’ng nag-simula ‘yung Marvel Cinematic Universe at bago pa lumabas ‘yung Iron Man na movie na parang alam ko na maghi-hit,” sey pa ng Kapuson genius.

Dagdag ng “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto” star, nagandahan siya sa ginawang adjustment sa character flaw ni Tony Stark sa movie, “Kumbaga, kung ikaw si RDJ, parang ang dami mong paghuhugutan.

“At bukod doon, magaling talaga siyang artista. But it turns out, hindi ‘yung pagiging lasenggo ang ginawang character flaw niya sa movie. Ginawa nilang mas napapanahon at mas makabuluhan,” diin ni Bitoy.

Read more...