NAIA Terminal 3 balik operasyon na sa Hulyo 8

MAGBABALIK na ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 simula sa Hulyo 8.

Noong Marso ay inilipat ng Manila International Airport ang operasyon ng NAIA Terminal 3 sa NAIA Terminal 1 upang tumanggap ng mga piling biyahe.

Simula sa Hulyo 8, sa Terminal 3 na ang arrival at departure ng All Nippon Airways (ANA), Air Aisa Berhad (AK), Cathay Pacific (CX), Emirates (EK), KLM Royal Dutch Airlines (KLM), Qatar Airways (QR), Singapore Airlines (SQ) at Turkish Airlines (TK).

Mananatili namang suspendido ang international flights ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways, at United Airlines sa Terminal 3.

Sa NAIA Terminal 2 ay mananatili naman ang international arrival ng flights ng Philippine Airlines. Ang international departure naman ng PAL ay mananatili sa Terminal 1.

Ang iba pang international flights na gagamit ng Terminal 1 ay Air China (CA), Air Niugini (PX), Asiana Airlines (OZ), China Airlines (CI), China Eastern (MU), China Southern (CZ), Etihad Airways (EY), Eva Air (BR), Ethiopian Airlines (ET), Gulf Air (GF), Hong Kong Airlines, Japan Airlines (JL), Jeju Air (7C), Jetstar Asia (3K, )Jetstar Japan (GK), Korean Airlines (KE), Kuwait Airways (KU), Malaysian Airlines (MH), Oman Air (WY), Royal Brunei Airlines (BI), Saudia Airlines (SV), Scoot (TR), Thai Airways (TG) at Xiamen Air.

Mananatili namang sarado ang NAIA Terminal 4.

Ang domestic operation naman ng Cebu Pacific (5J), Cebgo (DG), Philippines Air Asia (Z2) at Air Swift (T6) ay sa Terminal 3. Ang domestic flight ng Philippine Airlines (PR) at PAL Express (2P) ay mananatili sa Terminal 2.

Pinayuhan ang publiko na madalas tumingin ng anunsyo sa website ng mga airlines para sa mga maaaring pagbabago sa flights. Maaari ring tumingin sa MIAA FB page (@MIAAGovPh), mag-text sa 0917-8396242 o 0918-8396242 o tumawag sa MIAA voice hotline sa numerong 88771-1111.

Read more...