KAILANGANG kumuha ng quick response (QR) code ng mga operator o driver ng kuwalipikadong traditional jeepney para makabiyahe sa susunod na linggo.
Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular 2020-026 na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Para makuha ang inyong QR Code, sundin lamang ang mga sumusunod:
1. Pumunta sa https://ltfrb.gov.ph/ at i-click ang LTFRB QR Code
2. Piliin ang uri ng serbisyo (UV Express o PUJ)
3. Hanapin ang inyong QR information gamit ang universal search (pangalan, case, plaka/chassis number kung walang plaka)
4. Ipapakita ng system ang Page at Batch File na kalakip sa QR Code ng PUJ unit
5. I-click ang Batch File at pansinin ang PAGE number ng naturang unit
6. I-download o i-print ang QR code at iprisinta sakaling inspeksyunin ang PUJ unit.
Umaabot sa 6,002 tradisyonal na jeepney ang pinayagang bumiyahe ng LTFRB sa 49 ruta. Hindi kailangang kumuha ng special permit ang mga ito dahil sila ay bibiyahe sa ruta na nakasaad sa kanilang prangkisa.