K Brosas sa epal na basher: Sarap sampalin…medyo kababayad ko lang ng tax na dimunyu!

SINUPALPAL ng Kapamilya comedienne na si K Brosas ang isang basher na nagsabing tigilan na niya ang pakikisawsaw sa usaping-politika.

Nakatikim ng maaanghang na salita ang netizen mula sa singer at ipinamukha rito na nasa kanya ang lahat ng karapatan para makialam sa mga kaganapan sa bansa dahil isa rin siyang taxpayer.

Pambabasag sa kanya ng netizen, “Sana lagi ka na lang magpatawa at ‘wag ka na makisawsaw sa pulitika.”

Banat sa kanya ni K, “Punta ka sa Twitter ko don ako madaldal sa kaganapan ng gobyernong ito. Para mabwisit ka. Lol.”

Aniya pa, kahit isa siyang komedyana at laging nagpapatawa,  marunong din siyang lumaban at manindigan sa mga pinaniniwalaan niya pagdating sa mga social at national issue.

“Please makitawa ka na lang. ‘Wag kang makialam sa kung ano post ko kasi kahit ako ng patawa hindi ako bulag at may boses ako na karapatan nating lahat ganern. Bow,” pahayag pa ni K.

Ni-repost din ng singer-comedienne sa Twitter ang sinabi sa kanya ng basher, sabay sabing, “Mula sa Instagram ko. Magpatawa na lang daw ako. Lol! Sarap sampalin ng mejo kababayad ko lang ng tax na dimunyu! Karapatan ko yan hindi para lang makisawsaw! Ewan din!”

Samantala, naglabas din siya ng saloobin tungkol sa mainit na ABS-CBN Congressional franchise hearing. Aniya, ang COVID-19 ang kalaban ngayon ng bansa at hindi ang Kapamilya network.

Hirit ni K Brosas, “Iba ‘yung bigat sa puso ang araw na ‘to. Pinipilit kong tumawa at magpatawa pa rin pero mapapa shutanginamez ka pa rin. Haaay! COVID ang kalaban baka nakalimutan nila. Isang mahigpit na yakap Kapamilya.”

“Hindi ko na alam .. haaaay! Off ko comments dito kasi baka mag amok nako pag may epal l.. (I’m sure meron yan kaya ako na adjust). Kapagod naaaaaaaa,” dugtong pa niya.

Read more...