Vice apektado sa pagsasara ng comedy bars: Ang daming komedyanteng nawalan ng trabaho

APEKTADO nang bonggang-bongga si Vice Ganda sa pagsasara ng mga comedy bar sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Napakaraming stand-up comedian ang nawalan ng trabaho mula nang matigil ang operasyon ng mga comedy bar dulot ng COVID-19 pandemic.

Kamakailan lang, in-announce na rin ni Allan K na nagsara na ang pag-aari niyang Zirkoh at Klownz dahil luging-lugi na sila matapos ang mahigit tatlong buwang walang kita.

Sa isang bahagi ng “It’s Showtime”, may makausap na isang contestant si Vice na nagtatrabaho rin sa isang comedy bar 

“Alam mo talaga nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice ang mga comedy bar kung hindi magsara.

“Yung Zirkoh, ‘yung Klownz nagsara na, ‘yung Punchline at Laffline nagsara na. Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho,” pahayag ng TV host-comedian.

Dugtong pa niya sa comedy bar siya nagsimula at talagang nahasang magpatawa, “At saka ‘yung legacy ng comedy bar, parang ‘di ko ma-imagine na mawala na totally ang comedy bar sa lipunan.

“Mayroon silang mga nakokolekta na mga donation pero hinahati-hati nila ‘yon para maitulong sa staff ng comedy bar, ‘yung mga waiter, ‘yung nasa valet, ‘yung mga cook. 

“Kasi ‘yan, lahat ‘yan ay wala na. Wala naman silang mga online show kaya yung mga bakla tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff,” lahad pa ni Vice.

Read more...