Virtual coronation ng Miss Philippines Earth 2020 rarampa sa GMA 

SA kauna-unahang pagkakataon, isasagawa ang virtual coronation para sa inaabangang 2020 Miss Philippines Earth.

Ngayong Linggo na ito mapapanood sa GMA Network kaya siguradong magiging kaabang-abang ito sa lahat ng mga mahilig sa beauty pageant.

Ngayong taon, magiging online ang rampahan, pagandagan, patalinuhan at ang pagpuputong ng korona sa susunod na Miss Philippines Earth.

Bunsod ng kasalukuyang sitwasyon, kinailangang mag-adjust ng produksiyon at gawin itong online para sa kaligtasan ng lahat at upang sumunod sa social distancing guidelines at safety protocols na ipinatupad ng gobyerno.  

Sa kabila nito, nais pa rin nilang maisakatuparan ang adhikaing ipagpatuloy ang adbokasiya para sa environmental care at protection.

Para sa online spectacle na ito, 33 Filipina candidates mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at maging sa abroad ang magpapakitang-gilas para makuha ang titulo at siyang magiging kandidata ng Pilipinas sa Miss Earth international competition.

Ipapasa ni outgoing Miss Philippines Earth queen Janelle Tee ang kanyang korona at tungkulin bilang environmental ambassador.

Huwag palalampasin ang telecast ng Miss Philippines Earth 2020 ngayong Linggo, 10 a.m. sa GMA 7.

                         

 

Read more...