Angel humugot sa open letter: Ang daming time pag-initan ang ABS-CBN, pero paano na…

Angel

MATAPANG na nag-post ng open letter ang Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin para muling ipagtanggol ang ABS-CBN.

Dito binigyang-diin niya ang panggigipit sa TV network at ang kabuhayan ng libu-libong manggagawa na mawawalan ng trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Hindi pinangalanan ni Angel sa  open letter na naka-post sa kanyang Instagram Stories kung para kanino ito pero naniniwala ang madlang pipol na para ito sa gobyerno at sa mga taong nasa likod ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Inilabas ni Angel ang open letter matapos ipasara ang digital broadcast ng ABS-CBN TV Plus kasunod ng alias cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC).

Bukod dito, ipinahinto rin ng NTC ang operasyon ng SKY Direct ng Skycable ng ABS-CBN matapos mag-expire ang franchise ng network.

Narito ang buong mensahe ni Angel, “To whom it may concern…

“Make sure you have plans for the many workers who lost their income.

“Ang daming time pag-initan ang ABS, i-prioritize pa ang re-naming ng airport, anti-terrorist bill, pero ang kailangang marinig ay ang plano tungkol sa Covid & frontliners, plano sa edukasyon para sa mahihirap na walang access sa internet o magtuturo sa bahay, balik probinsya, OFW’s na stranded sa ibang bansa, kabuhayan ng nawalan ng trabaho, paano na ang tradisyunal na jeepney drivers?”

“Paano ang mga senior citizens? At sa kung anong kakaharapin ng masang Pilipino pagkatapos ng pandemya.”

“Taxpayer” naman ang ginamit ni Angel bilang letter sender sa halip na pangalan niya.

Read more...