Relasyong Carla-Tom pang-forever na; Kim binalaan ang mga inggitera 

AMINADO ang Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na may mga pagkakataong nag-aaway at nagdidiskusyon din sila.

Bumuhos ang kilig at good vibes sa newest Q&A vlog ng magdyowa kung saan sinagot nila ang ilang questions mula sa kanilang fans sa official YouTube channel ni Tom.

Game na game nilang sinagot kung ano nga ba ang madalas nilang pag-awayan at kung gaano sila kadalas mag-away. 

Ayon kay Carla, gaya ng ibang mag-partner, may mga hindi rin sila napagkakasunduan ni Tom na nauuwi sa pagtatalo.

 Ultimo maliit na bagay daw na kanilang pinagtatalunan ay lumalaki kapag magkasalungat ang kanilang paniniwala. 

Pero diin ni Carla, “It doesn’t matter kung ano ‘yung pinag-awayan, ang importante, pag-uusapan at aayusin. Hangga’t maaari as soon as possible pag-usapan na and ayusin na bago pa mag-sunrise the following day.”

Kinilig naman ang netizens sa pagiging maunawain ng dalawa at tila perfect daw talaga para sa isa’t isa. Comment nga ng isang netizen, “That line ‘sure ako’ at ‘wala na akong ibang gusto.’ Naluha naman ako. Forever na talaga!” 

Samantala, matapos makipagkumustahan ni Carla sa fans ng pinagbibidahang serye na “Love of my Life” sa kanilang online get-together na #LetsTalkLove, si Mikael Daez naman ang sasabak ngayong darating na Biyernes (July 3) 6 p.m., sa Facebook page ng GMA Drama.

                          * * *

Gamit ang kanyang Instagram account, nagpaalala ang Kapuso actress na si Kim Domingo na dapat ay hindi pinagkukumpara ang buhay ng iba’t ibang tao. 

“I hope you stop comparing your life to others. Success is not a race. It’s a process and we are all subjected to different time frames,” panimula niya sa caption. 

“If your friend is successful now, and you are still on the verge of reaching your dreams, don’t feel sad. Be grateful and learn how to clap for them. Because they will clap for you as well once you’ve reach success,” paalala pa ng dalaga.

Pagpapatuloy ng “Bubble Gang” actress, “Matuto mag-antay. Matuto mag-appreciate. Wag inggit at pride ang pairalin. Maging masaya sa na-achieve ng kapwa mo. 

“‘Yung pride at inggit, hindi mo ikinaganda, ikinagwapo ‘yan. At hindi mo din ikaka-angat #lovemorehateless #appreciatewhatyouhave,” hugot pa ni Kim.

 

Read more...