Single-use plastic ibabawal sa non-essential products

Kamara

PINAPLANTSA ng isang technical working group sa Kamara de Representantes ang pagbabawal sa paggamit ng single use plastic sa mga non-essential products.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, head ng TWG ng House committee on Ecology, makatutulong ang panukala upang mabawasan ang paggamit ng plastik sa bansa.

“The direction of the TWG is to ban the non-essential single-use plastics and to clarify that other plastic products should be regulated and as much as possible, recovered and recycled/re-used,” ani Velasco na isa sa may-akda ng 33 panukala kaugnay ng single use plastic.

Sinabi ni Velasco na isasama sa panukala ang Extended Producers Responsibility (EPR) upang magkaroon ng proseso sa pagkuha sa mga nagamit na plastik.

“We will try our best to come up with a bill that will ensure a healthy and safe environment for the generations to come,” saad ng solon.

Sa ilalim ng EPR ang gumawa ng plastik ang mayroong financial at physical responsibility sa pagkuha at pagproseso sa mga plastik kapag nagamit na ang produkto na inilagay dito.

Read more...