Duterte inatasan ang CIDG at NBI na imbestigahan ang J&T Express

President Duterte

INATASAN ni Pangulong Duterte ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang J&T Express kaugnay ng mishandling, nawawala at umano’y pinapalitang mga padala.

“May isa dito na madalas akong makatanggap ng complaint. You better shape up but I’d like you to know that I am ordering now because the CIDG is listening and the NBI to investigate you at ang BIR to look into your finances,” sabi ni Duterte.

Nangako si Duterte na mahaharap sa kaukulang kaso ang J&T Express sakaling mapatunayan ang mga alegasyon laban dito.

 “It’s not really one or two incidents na tinapon ninyo. Ang hindi masyado ‘yung sa the handling of the cargo, it’s the lost cargo or cargo na pinalitan ninyo,” ayon pa kay Duterte.

Kasabay nito, hinimok niya ang publiko na magreklamo sakaling nabiktima ng J&T.

“And ‘yung lahat naman na may reklamo, go to the nearest — punta kayo sa pulis hanapin ninyo ‘yung… Mayroong opisina ‘yan ng — nakakalat, nakakalat ‘yan, police agency ‘yan. Sabihin ninyo paturo kayo then file the complaint there — ang inyong affidavit, tapos tingnan ko. If I’m satisfied na medyo may kalokohan, ah sisirahan ko kayo and I will file charges also,” sabi pa ni Duterte.

 

Read more...