Jake Zyrus umamin: Minsan naisip ko, I regret being discovered as Charice

JAKE ZYRUS

AMINADO ang proud LGBTQIA+ member na si Jake Zyrus na may mga desisyon din siya sa buhay na kanyang pinagsisisihan.

Inihalintulad ni Jake sa isang roller coaster ride ang naging buhay niya mula pa noong sumikat si Charice Pempengco hanggang sa ipanganak si Jake Zyrus.

Nakausap namin at ng iba pang members ng entertainment media si Jake sa nakaraang digital media conference para sa mga bagong ganap sa kanyang career at sa award na nakuha ng kanyang documentary na “Jake And Charice” sa US International Film & Video Festival.

“Regrets. I can’t count. there’s so many, parang roller coaster na din po kasi, sometimes iba naisip ko, I regret being discovered as Charice, or minsan I wish na discover na ito na ako, para hindi na ako nahihirapan. Sometimes may maiisip ka na ganu’n,” pahayag ni Jake.

Dagdag pa niya, “So many regrets, siguro po noong hindi ko pa nare-realize na ‘yung regrets na ‘yun will turn into something beautiful. 

“Kasi, ‘di ba sometimes in our life parang masasabi mo na ‘I regret doing this’ but siyempre the more na marami akong na-experience sa buhay ko, the more na-realize ko na those regrets happen.

“I’m glad na those pain and regrets happened because doon ko rin na-realize kung ano ba ako, kung sino ba ako, kung ano ang magagawa ko in the future,” paliwanag pa niya.

Pero ipinagdiinan ni Jake na kahit may pagsisisi siya, hindi ito naging hadlang para maging masaya at kuntento sa pinili niyang buhay ngayon bilang isang transman.

“Best decision in life pa rin para sa akin ang ginawa ko. Sometimes, maiisip mo siya na regrets but no! Hindi ko rin madi-discover kung ano ako ngayon if I didn’t go with this process.

“Hindi man beautiful ang tingin ng tao sa nangyayari sa akin ngayon, but to me it turned me into something beautiful, dahil nalaman ko rin ang mga taong totoo sa akin,” lahad pa ni Jake Zyrus.

Read more...