Aplikasyon para sa senior high school voucher simula na- DepEd

SINIMULAN na ng Department of Education ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Senior High School voucher program.

Sa inilabas na advisory ng DepEd, magtatagal ang aplikasyon hanggang sa Hulyo 24.

Sa ilalim ng programa makatatanggap ng subsidy ang benepisyaryo. Ang halaga ay depende sa lugar kung nasaan ang SHS.

Ang mga requirements naman na kailangan ng mga nakapag-aplay sa oras ay maaaring isumite hanggang Oktobre 30.

Maaaring magsumite ng aplikasyon sa Online Voucher Application Portal (https://ovap.peac.org.ph).

Sa mga maga-aplay maghanda ng 2×2 colored ID photo, Proof of financial means ng mga magulang o guardian, pirmadong Parent Consent Form at Certificate of Financial Assistance mula sa Junior High School kung mayroon.

Ang deadline ng application para sa SHS VP ay sa July 24, 2020, ngunit maaaring i-submit ang mga requirement hanggang October 30, 2020.

Paalala naman ng DepEd hindi na kailangang mag-aplay ang mga Grade 10 completers (SY 2019-2020) na mula sa public schools, mula sa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges at galing sa pribadong junior high school na may Educational Service Contracting.

Read more...